top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | June 2, 2024 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 2, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 2, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 2, 2024 (Linggo): Kung ano ang gusto mong gawin, magagawa mo. Ito ang sinasabi ng iyong kapalaran, kaya tiyak na maraming tagumpay ang darating para sa iyo.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw kung kailan makakaisip ka ng maganda at kikilos ka ayon sa naisip mo. Magsisimula na rin na iwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-18-20-34-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo dapat ipakita na may natatago kang tapang. Ilabas mo ang iyong tapang dahil may regalo ka mula sa langit kapag nakitang hindi ka naduduwag. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-21-28-39-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Oo, sumugod ka pero pairalin mo pa rin ang iyong isip. Ang pagsugod na natangay lang ng damdamin ay isang bukas na pintuan para sa kabiguan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-24-26-34-36.

 

CANCER (June 21-July 22) - Mag-ingat ka. May ilan na lihim na magtatangkang galitin ka. Ipakita mo na ang galit ay burado na sa sarili mong diksyunaryo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-17-25-29-31-34.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo kailangan ang katuwang, katulong o alalay. Hindi mo rin kailangan ang tagapayo at tagamando. Kaya mong gawin ngayon ang lahat ng gusto mong gawin kahit ikaw ay nag-iisa lang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-19-25-28-39.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikilos ka para sa pangarap mo, pero kung hindi ka magiging agresibo, para ka lang ningas ng apoy na mabilis ding naglaho. Sa agresibong pagkilos, malayo ang nararating ng tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-13-22-26-28-33.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang ayaw mo, ‘yun ang mangyayari. Gayunman, ang lahat ng mararanasan mo ay para sa sarili mong kabutihan at pakinabang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-26-30-42-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Samantalahin mo ang masuwerteng araw na ito para gawin ang mga hindi mo nagawa noon dahil pinanghinaan ka ng loob. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-25-28-35-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hanapin mo ang madaling paraan para mapasaiyo ang gusto mo. Hindi ka mahihirapan na malaman dahil ilalagay sa iyong harapan ng langit ang mga ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-15-22-38-41-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Buong loob mong harapin ang anumang hamon ng kapalaran. Ang dating ikaw na negatibo ay mawawala na, ikaw na ngayon ay magiging masigasig. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-25-30-41-42.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nalulunod ang agad na lumulusong sa ilog. Upang hindi mo abutin ang ganu’ng kapalaran, bago ka kumilos ay pag-aralan mo na muna ang lahat ng anggulo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-09-12-27-31-37.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag kinokontra ka, lalo mong gawin ang gusto mo. Maghanap ka ng aayon sa iyo para mag-alinlangan ka sa mga balak mo na sa totoo lang ay iyong pagsisisihan sa huli. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-20-26-33-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page