top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | June 16, 2024 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 16, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 16, 2024 (Linggo): Malayo ang iyong mararating, ibig sabihin, magtatagumpay ka sa iyong mga ambisyon.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madali kang mapapaniwala ng magagandang salita na ang layunin ay maisahan ka. Mag-ingat ka at ang payo ng mga taong pinagkakatiwalaan mo lang ang dapat mong paniwalaan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-10-29-35-37-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maraming magagandang ideya ang maglalabas-pasok sa isip mo. Kung magagawa mong lakipan ng kaukulang pagkilos ang kahit isa sa mga ito, tiyak ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-21-28-32-39-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Kahit maging mabilis pa ang mga pagkilos mo, ang huwag mong kaliligtaan ay ang kailangan ding mabilis kang mag-isip nang sa gayun ay mas maraming suwerte ang mapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-23-33-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Magtiwala ka sa iyong sarili. Ito ang unang hakbang sa tagumpay. Ang susi naman sa kabiguan ay ang kawalan ng tiwala sa sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-21-28-30-34-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pagbutihin mo ang ginagawa mo dahil dito nakataya ang kinabukasan mo. Nakamasid sa iyo ang langit, kaya kapag nakita kang nagsisikap na maayos ang iyong ginawa, pagpapalain ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-14-25-33-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong dayain ang iyong sarili. Ang nakita mo ay ‘yun na nga. Huwag ka nang mag-imbento pa ng maraming dahilan para lang hindi ka masaktan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-20-26-34-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang iyong pangarap. Kapag tinalo ka ng kawalan ng pag-asa, sabihin mo sa iyong sarili na ang mga ito ay tulad ng panakot sa ibon na hindi naman talaga nakakatakot. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-19-21-24-34-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tandaan, itali mo sa iyong isip na hindi lahat ng makapal at madilim na ulap ay bagyo ang dala. May pagkakataong ang maraming suwerte ay may ganu’n ding katangian. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-14-20-22-29.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Payuhan mo ang humihingi ng payo. Turuan mo ang nagpapaturo sa iyo. Huwag mong ipagdamot ang kaalaman mo nang sa gayun ay hindi ka rin pagdamutan ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-9-13-28-34-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumayo ka sa mga taong mababaw dahil baka mahawa ka. Gayundin, sa halip na dumami ang mga suwerte mo ay mabawasan pa ang magagandang kapalarang nagdaragsaan ngayon sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-18-29-33-36-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Talo mo ang nagkukunwaring buo at matatag ang loob. Dahil bandang huli, ikaw pa rin naman ang masusunod. Ito ang -26-31-33-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17Pakinggan mo ang iyong sarili dahil ngayon ay mapakikinabangan mo ang tigas ng iyong ulo. Masuwerteng kulay-red. Tips  sa lotto-7-10-13-17-22-34.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page