top of page

Horoscope | June 15, 2024 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 15, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 15, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 15, 2024 (Sabado): Maghahari sa iyo ngayon ang kagandahan. Hindi ka lang magiging maganda, bagkus, gaganda rin ang buhay at kapalaran mo

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) -  Magbabalikan sa harap mo ang mga tukso, kaya magpakatatag ka. Sa lahat ng klase ng nagpapabagsak sa buhay ng tao, tukso ang pinakamapusok, at mahirap talunin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-19-22-27-30-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawak mo ngayon ang barahang alas. Kung lalaban ka, tiyak na mananalo ka. Kung hindi ka naman makikipagsapalaran, matutulad ka lang sa malakas pero walang saysay ang lakas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-9-15-18-20-25.


GEMINI (May 21-June 20) - Sobrang nakakaakit ang iyong mga kilos at pananalita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-16-25-27-34-36.


CANCER (June 21-July 22) - Gamitin mo ang kakaibang karisma dahil sayang ito kapag hindi mo pinakinabangan. Huwag mong kaligtaan na rito sa mundo, ang pinakamahalaga ay ang magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-26-33-35-38-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nabubuhay ang tao sa kanyang mga pangarap. Kaya mag-ingat ka sa mga walang ambisyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-21-23-30-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ka na magsikap dahil kasalukuyan ang nagsasabi kung ano ang magiging hinaharap. Kung ano ka ngayon, ‘di ba bukas ay ganu’n ka rin? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-20-29-30-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magagandang kapalaran ang noon pa inilaan sa iyo ng langit. Ang isa pang masayang balita ay mula ngayon, mag-uunahan nang dumapo sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-15-17-24-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mapapasaiyo ang hindi mo pinagsikapang kunin. Noon pa naman ay ganito na ang iyong kapalaran kung saan may mga bagay na napasasakamay mo kahit hindi mo pinag-iinteresan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-12-23-39-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Parang mga ligaw na bala ang bibitiwan mong mga salita dahil may mga tatamaan at lihim kang masasaktan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-27-29-35-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi malaya ang tao dahil hindi niya kayang kontrahin ang batas ng kalikasan. Ikaw ay tao, isang taong iibig sa gusto o ayaw mo. Muli, walang kalayaan ang tao sa mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-14-25-34-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gamitin mo sa tama ang matatanggap mong mga bagay. Ang pera sa negosyo ay para sa negosyo. ‘Wag kang tumulad sa iba na kung saan-saan ginagamit ang negosyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-21-26-35-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsaya at maglibang ka. Huwag mong pakinggan ang iba na ang pagsasaya at paglilibang ay pag-aaksaya lang ng oras. Ang sobrang seryoso sa buhay at hindi naglilibang ay mas madaling dapuan ng karamdaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-16-22-24-31-36.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page