top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | June 14, 2024 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 14, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 14, 2024 (Biyernes): Huwag kang mag-alala kapag mabilis kang mag-isip at kumilos. Ang totoo, bibilis din ang pagdating ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-alinlangan sa iyong kakayahan. Noon pa man at kahit kailan, ang pag-aalinlangan ay hindi nagbubunga ng maganda. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-10-12-28-33-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madaragdagan ang iyong mga kaalaman at malaki ang maitutulong nito sa binabalak mong negosyo. Buksan mo ang iyong isipan sa mga makabagong paraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-24-30-35-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Iyo ang araw na ito at ang marami pang araw na darating. Mapapatunayan sa kasaysayan ng buhay mo na kambal-kambal pala mga buwenas kapag dumapo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-17-21-28-31.


CANCER (June 21-July 22) - Muli kang mahihiwagaan sa mga pangyayari dahil mapapasang-ayon ka sa hindi mo gusto. Sa huli, malaki ang pakikinabangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-9-18-29-40-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka puwedeng mamalagi nang matagal sa kabiguan. Kikilos ang kapalaran mo at makakalag ang tanikala ng iyong kalungkutan. Gayundin, lalaya at magkakaroon ka ng bago at masayang mundo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-24-25-34-37-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dadapo sa iyo ang isang suwerte. Hindi kalakihan pero sapat na ito para ikaw ay sumaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-15-23-30-35-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi na maaawat pa ang mga parating na suwerte. Sa katunayan, kapag may nagtangka na bigyan ka ng sakit ng kalooban, siya ang masasaktan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-19-21-28-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa mga kilala mong palaasa. Lumayo ka pero huwag mong ipahalata para hindi rin sila masaktan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-23-36-44-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kaya mo ‘yan at huwag kang susuko. Hindi ka isinilang para mabigo. Hindi ka rin tulad ng iba na makakita lang ng anino ay nagtatago na’t hindi makakilos dahil akala mo ay multo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-18-20-25-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pataas ka nang pataas. Mangyayari ito kahit pa na malalaking pagsubok ang lumalagay sa harapan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-19-21-24-27-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala at alisin mo ang iyong pangamba. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-13-25-28-30-31.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, biglaan ang pagpapalit mo ng isip. Sa iyong pagkabigla, hindi mo aakalain na bigla ring gaganda ang iyong kinalalagyan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-9-11-17-21-24.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page