top of page
Search

Horoscope | June 13, 2024 (Huwebes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 13, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 13, 2024 (Huwebes): Marami ang magtatangkang gamitin ka para umunlad ang kanilang buhay. Gayunman, huwag mong kaligtaan na paunlarin ang sarili mo.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Manipis ang iyong damdamin at madali kang magtatampo. Kaya ang payo ay lumayo ka muna sa mga hindi mo gaanong kasundo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-15-21-27-30-33.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong akalain na malayo sa iyo ang mga suwerte dahil ang totoo, nasa tabi mo lang ang mga ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-29-33-37-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Bilis ng isip sabay ang pampasuwerte mo ngayon. Kaya ang anumang pag-aalinlangan ay huwag mong hayaan na makasingit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-27-36-40-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo mapipigilan ang sarili mo na malungkot kahit na wala namang dahilan, ngunit ikakagulat mo dahil pagkatapos nito ay malaki at magandang kapalaran ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-11-20-29-34-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakapagtaka dahil ang mga suwerte mo ay magmumula sa mga lihim at lantad mong kaaway. Kikilos sila laban sa iyo, pero kikilos din ang langit at bibigyan ka ng malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-17-22-28-39-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Negatibong kaisipan ang maghahari sa iyo, pero panandalian lang ito dahil isang maliit na suwerte ang dadapo sa iyo pero ang kagalakan at tuwa ng puso mo ay mag-uumapaw ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-14-23-35-40-42.

  

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka ayon sa plano mo. Kapag may nagtangka na baguhin ito, ‘wag mong pansinin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-18-27-39-45.

  

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa metal na bagay ang suwerte mo. Ilabas mo na ngayon ang gamit na matagal nang nakatago, dahil ito mismo ang iyong pampasuwerte ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-25-28-32-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit hindi mo gaanong maunawaan, sundin mo ang payo na sa malayo ka tumingin. Gawin mo ito nang madalas ngayong araw. Ito ay nagsasabing may malaking suwerte na darating sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-21-27-33-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumain ka sa pinggan na gawa sa pinatigas na putik tulad ng mga porcelana. Gigisingin nito ang matagal nang nahihimbing mong mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-17-22-31-38-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umulan man o umambon, kailangang mabasa kahit bahagya ang iyong pisngi. Mahirap paniwalaan, pero ito ang iyong pampabuwenas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-23-30-37-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maglakad ka at paminsan-minsan ay tumingin ka sa ibaba o sa paligid. Kapag ginawa mo ito, malaki ang magbabago sa buhay mo dahil susuwertehin ka na. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-28-31-40-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page