Horoscope | June 12, 2024 (Miyerkules)
- BULGAR
- Jun 12, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 12, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 12, 2024 (Miyerkules): Itinalaga ka para mamuno. Panatilihin mong nakasayad ang mga paa mo sa lupa, at ‘wag mong kakalimutan na magpakumbaba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong makasakit. Alalahanin mo na ang lahat ng tao ay nagkakamali. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-24-26-35-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ituloy mo lang ang pangarap mo kahit nakakaranas ka ng paghihirap. Wala rin saysay kung ang tao ay walang pangarap sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-19-22-28-33-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung sino pa ang taong ‘di mo inaasahang tutulong sa iyo, siya pa pala ang makakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-27- 32-40-45.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi lang siya ang tao sa mundo. Maghintay ka lang at darating din siya sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-15-22-26-33-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka dapat matukso sa nakikita mo. Hindi totoo ang sinasabi nilang puwede kang yumaman kahit wala kang ginagawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-24-29-37-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tanggapin mo kung ano ang kaloob ng langit. Mas maganda na sumunod ang tao sa dikta ng kanilang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-27-30-32-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pag-aralan mo ang puwedeng mangyari sa iyo. Mas mabuting analisahin mo muna ito bago mo gawin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-15-21-28-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maraming oportunidad ang darating sa iyo. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-25-28-30-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gaganda ang takbo ng mga pangyayari kung hihingi ka ng opinyon sa mas mababa kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-16-20-23-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ingatan mo ang mga bagay na pinagsisikapan mo. Hindi madali ang nararanasan mong hirap. Kaya pahalagahan mo ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-13-19-27-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magpalakas ka! Dahil malapit mo nang maisakatuparan ang mga pangarap mo. Ito ang payo sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-18-21-28-30-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ilalapit ka ng iyong kapalaran sa taong mag-aalok sa iyo ng magandang buhay. Kapag dumating na ang oras na ‘yun, huwag mo itong tanggihan. Dahil ang langit mismo ang lihim na nag-utos sa kanya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-22-26-36-42.
Comments