top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | June 11, 2024 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 11, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 11, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 11, 2024 (Martes): Huwag mong sayangin ang kakaibang galing at husay mo. Ilabas mo ito at ituon sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong dayain ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-9-12-27-33-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin dahil pinahihina lang ng mga taong negatibo ang iyong loob. Lumayo ka sa kanila at gawin mo ang gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-21-36-42-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Mahina ang mga karibal mo ngayon at umaasta lang sila na malakas, ngunit ang katotohanan ay hindi kaila sa kanila na ikaw ay mas malakas kumpara sa kanila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-19-23-31-38.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang maduwag. Hindi ngayon ang panahon para panghinaan ka ng loob. Higit kailanman, sa kasalukuyan ang pagpapakita ng tapang at lakas ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-24-33-39-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Harapin mo ang nagpapasakit ng ulo mo. Oo, harapin mo at makikita mo na sasakit din ang ulo niya at sa huli ay magkakasundo kayo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-4-19-22-31-35.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mo silang hayaang magpasya. Kadalasan, ang gusto nila ay ‘yung mayroon na sila. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-14-25-32-41-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gumawa ka ng paraan para hindi matigil ang pinagkakakitaan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-19-26-33-39.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong hayaan na maapektuhan ng mga kabiguan sa nakaraan ang iyong kasalukuyan. Kapag maayos ang kasalukuyan, magiging maayos din ang kinabukasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-28-31-38-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magturo ka sa gustong matuto. Huwag mong pilitin ang ayaw magdagdag ng kaalaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-6-15-24-33-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ka, ‘yun ka. Bakit ka tutulad sa iba na mapagkunwari at hindi inilalantad ang tunay nilang sarili? Sa huli, sila ang magsisisi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-27-34-40-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo gaanong ikalungkot ang pagkabigo. Ang tao ay binigyan ng tuhod nang sa gayun makatayong muli at makapagsimulang lumakad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-12-19-29-33-43.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mong ipakita nila na nagbago na sila. Ikaw din naman sa buhay mo ay nagkakamali, kaya dapat lang na matuto ka ring magpatawad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-11-25-34-39-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page