top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | June 10, 2024 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 10, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 10, 2024 (Lunes): Mamamahala at mamumuno ka dahil ito ang dahilan kaya ka nilikha. Pagbutihin mo ito at huwag mong kalimutan magmahal. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mawawala sa tabi mo ang mga pahirap sa iyo. Ang mga problema ay gagaan upang mas mapabilis mo ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-24-35-40-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka kapos sa galing at husay. Kaya lang, minsan ay kinakapos ka sa tapang at lakas ng loob. Kapag nasolusyunan mo na ito, mas yayaman ka pa sa mayamang iyong huwaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-16-25-31-38-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Bawasan mo ang pag-iisip, lalo na ang paghahanap ng mga dahilan kung bakit nangyayari ang isang bagay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-5-18-28-34-45.


CANCER (June 21-July 22) - Magpatulong ka kapag hindi mo na kaya. Hindi masama ang magpatulong dahil ang lahat ay nangangailangan din ng tulong. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-8-11-22-35-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Balansehin mo ang iyong damdamin at hangaring umunlad. Ang awa ay ilagay mo sa tama dahil hindi lahat ng nagmamakaawa at mukhang kaawa-awa ay totoong nakakaawa. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-10-19-26-25-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isipan ang maglalapit sa iyo sa mga suwerte. Bilis naman ng pagsunggab ang magbibigay sa iyo ng mga suwerte. Hindi ka dapat mabigo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-5-16-22-26-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kilalanin mo nang husto ang bawat magpapakita sa iyo ng maganda. Ang mga mandaraya at may masamang motibo ay mahusay magpakita ng maganda. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-23-35-40-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Unang inaalis ang unang dumarating. Ito ang pormula kung paano mananatiling bago ang iyong paninda. Isabuhay mo ito nang sa gayun ay manatili ang iyong mga suki at parokyano. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-21-28-33-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang iyong mga kahilingan, kaya huwag mo na itong lagyan pa ng kung anu-anong dekorasyon. Hiling na! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-27-33-39-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mo nang buhayin ang namatay na tulad ng pagmamahal sa matagal nang patay. Ang kadalasang pagkakamali ng tao ay hindi natanggap na tapos na ang nakaraan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-14-22-29-37-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Papaboran ng mga nakahihigit at matataas ang puwesto kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-13-26-28-31.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nadaragdag ng kaalaman ang nagtatanong kaya magtanong ka. Huwag kang mahiyang magtanong dahil sa pagtatanong, ang buhay mo ay susulong. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-23-29-34-40. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page