Horoscope | June 1, 2024 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 1, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 1, 2024 (Sabado): Kakaiba ang takbo ng kapalaran mo dahil sa bawat pagsubok, may nakalaan sa iyo na magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi bagay o gamit ang iyong pampasuwerte, kundi ang katangian mo na maghintay. Ito ngayon ang iyong isabuhay. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-4-18-20-23-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit hindi mo gaanong maunawaan, mas maganda pa rin na lumakad ka sa loob ng bahay nang walang sapin ang iyong mga paa nang sa gayun ay dumapo sa iyo ang mga suwerteng kailangan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-21-25-28-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi puwedeng nasa bahay ka lang. Para maaakit mo ang mga suwerteng nasa paligid, mamasyal ka. Sa pamamasyal, hindi naman obligado na bumili ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-15-28-30-31.
CANCER (June 21-July 22) - Magpakita ka ng awa sa gumawa sa iyo ng pagkakamali. Gayunman, patuloy ka pa ring susuwertehin habang siya naman ay makakaranas ng pangit na kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-11-15-17-20.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang tamang araw para magkawang-gawa sa mga kapos sa kapalaran. Gawin mo ito para dumagsa ang mga suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-21-25-27-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tulungan mo ang nangangailangan. Ito ang iyong gawin ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-17-22-26-30-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang paborito mong hikaw dahil ito ang pampasuwerte mo. Sa loob ng bahay at kahit sa labas at anuman ang ginagawa mo, magsuot ka ng hikaw. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-17-29-32-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa mga sobrang makuwento dahil sa hindi sinasadya, mahahawa ka sa kanila at masasayang lang ang oras mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-28-31-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ikaw ang magdikta at hindi dapat ikaw ang diktahan. Kaya lumalago ang iyong kabuhayan ay dahil sa pagmamando mo sa mga bagay na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-21-28-30-33-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huhusgahan ka ngayon ng mga taong mapanghusga. Lihim kang matuwa dahil ayon sa iyong kapalaran, mas gaganda ang buhay mo kaysa sa mga taong mapanghusga. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-20-26-27-35-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Didikit sa iyo ngayon ang taong naghahanap ng inspirasyon. Sa pagdidikit n’yo, higit kang makikinabang, kaya ‘wag mong iwasan ang magsasabi na ikaw ay kanyang kailangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-11-14-28-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Linisin mo ang dekorasyon sa dingding na mga bagay na sa dagat galing. Ang mga ito mismo ang magsisilbing epektibong pampabuwenas mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-22-24-39-40-41.



Comments