top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | July 27, 2021 (Martes)

BULGAR
Jul 27, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 27, 2021


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 27, 2021 (Martes): Lakas ng loob ang susi mo sa tagumpay. Kahit gaano kalaki ang iyong ambisyon, ito ay mapasasaiyo at lakas lang ng loob ang iyong kailangan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbalik ang mga araw kung kailan malaya mong magagawa ang mga gusto mong gawin na may kaugnayan sa pagpaparami ng kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-19-20-24-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Multo na nananakot ang mga pagsubok sa iyong harapan. Ang multo ay walang laman at buto kaya walang dahilan upang ikaw ay umatras sa matagal mo nang gustong gawin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-21-26-34-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo ang gusto mong gawin at makikita mo na ang humahadlang sa iyo ay kusang titigil. Makikita nilang walang sapat na dahilan kung bakit ka nila pipigilan. Muli, ituloy mo ang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-27-30-32-37.


CANCER (June 21-July 22) - Nabubuwal ang punong-kahoy na lumalaban sa malakas hangin. Sino ang lalagay sa iyong harapan para ikaw ay awatin? Kung mayroon, siya ay mapapahiya sa kanyang sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-12-24-39-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magbawas ka ng sigla. Makikitang sa sobrang sigasig mo, may ilang bagay kang nakakalimutan, lalo na ang mga nagtatampo sa iyo dahil ang atensiyon mo ay naagaw ng negosyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-14-25-34-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaiba ang tapang mo sa araw na ito. Malaki ang tsansa na umabante nang todo ang buhay mo, pero kailangan ay labanan mo ang mabilis na pagbabago ng hangarin sa buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-18-25-28-39-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Masisingitan ka ng kontrabida sa buhay mo. Kumbaga, pansamantalang siya ay makakaporma. Pero ganu’n pa rin naman, palagi namang sa huli, ikaw ang panalo at siya ang talo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-15-26-37-43-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malakas ang dating mo sa mga mata ng iyong bagong kakilala. Puwedeng masabing mabubulag sila sa paghanga, pero hindi ngayon ang panahon upang pumasok sa malalim na pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-13-28-30-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Isang hakbang paatras, dalawang hakbang pasulong. Ito ang susi mo ngayon nang malito at maiwanan nang milya-milya ang iyong mahihigpit na kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-15-20-23-36-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumating na ang tamang panahon upang ilabas mo ang lahat ng nasa iyong kalooban. Ang mabigat na saloobin ay pinagmumulan ng sakit na mahirap matukoy kung ano talaga. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-22-25-31-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magliliparan ang mga gamit kapag lumabas ang iyong galit, kaya huwag na huwag kang magagalit. Gayundin, ‘wag mong kalilimutan na ang pag-ibig ay nagpapaganda ng kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-21-27-31-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi nandaraya ang mahiwagang salamin na nasa dingding na nagsasabing, ikaw ang pinaka-nakakaakit. Ito ay nagbababala na ang mga walang karapatan ay magtatangkang pumasok sa iyong buhay, kaya huwag mo silang tanggapin pa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-12-24-40-46.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page