Horoscope | July 24, 2021 (Sabado)
- BULGAR
- Jul 24, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 24, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 24, 2021 (Sabado): Kahit paulit-ulit na pumangit ang buhay mo, paulit-ulit din itong aayusin ng langit dahil ang iyong kaarawan ay may kahulugan na ikaw ay may magandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos ang langit para pagandahin pa ang landas ng buhay na iyong tinatahak. Sa ganitong paraan, wala kang katwiran para huminto sa iyong mga ginagawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-20-24-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw ang masusunod kaya ikaw ang mag-utos. Ang papel mo sa mundo ay maging tagapag-utos kaya huwag kang sunod nang sunod lang sa taong nakaugalian na diktahan ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-21-24-37-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit hindi ka nakatutok sa mga pangarap mo, ang mangyayari ay nakagugulat dahil ito ay isa-isang nagkakaroon ng katuparan. Ito ay dahil nang isinilang ka, tunay ngang ang mga suwerte ay iyong kakambal. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-24-30-32-36.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magpaawat sa gusto mong gawin. Sila ang dapat huminto sa pakikialam sa buhay mo. Ang may hawak sa buhay mo ay ikaw at hindi sila na mga pakialamero. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-26-39-40-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lupa ang katapat ng langit. Kaya ang katapat ng malaki ay maliit. Ito ang gamitin mong basehan sa kung sino ang para sa iyo na makakasama mo habang ikaw ay nabubuhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-18-21-25-34-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang tanungan ng maraming tao. Ang iba ay alam na nila ang sagot sa kanilang katanungan, habang ang iba ay hindi nila alam. Mas magandang ang iba ay huwag nang pansinin pa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-25-27-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maging makatotohanan ka. Kailangan ng tao ang materyal na bagay kaya ito rin ay iyong kailangan. Huwag kang tumulad sa iba na nagkukunwaring ayaw ng materyal na bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-18-20-24-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong kalimutan ang mga taong nakatutulong sa iyo ngayon sa panahong papaganda na ang buhay mo. Huwag mo rin kalimutan ang mga hindi ka tinulungan para sila ay matauhan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-14-16-24-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumingin ka sa itaas. Ito ay isang susi ng tagumpay na nagsasabing ang nangangarap lang ang may tsansa na magkaroon ng magandang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-14-21-25-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbibigay ng lakas ang sikat ng Haring Araw sa umaga. Ito ay kailangan mo, hindi dahil may sakit ka kundi upang mas lumakas pa ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-29-30-34-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka sasaya, roon ka. Walang tao na pipiliin kung saan siya malungkot, pero minsan ay mayroong ganu’ng nilalang na ayaw takasan ang malungkot na buhay. Lumayo ka sa kanila at baka ikaw ay mahawa pa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-14-29-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumunod ka lang sa agos ng buhay. Nangyari na ito sa iyo na sumunod ka lang sa agos at dinala ka sa harapan ng taong nagbigay sa iyo ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-9-12-27-34-44.







Comments