Horoscope | Enero 25, 2026 (Linggo)
- BULGAR

- 3 minutes ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 25, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 25, 2026 (Linggo): Kung hindi mo magawang mag-abroad, mamasyal ka muna sa malalayong lugar. Sa paglayo mo, magmumula ang mga suwerte mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang mayamang imahinasyon mo para mapalago ang iyong kabuhayan. Hangga’t maaari, huwag mo itong gamitin sa ibang bagay, lalo na sa pag-iisip ng negatibo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-22-26-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumuha ka ng lakas sa mga taong nagmamahal sa iyo, habang lumayo ka naman sa mga pabigat sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-20-23-33-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pilitin ang ayaw makiisa sa iyo. Muli, sisirain lang nila ang mga araw mo na kung kailan puwede kang kumita ng malaki. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-16-21-28-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag ka agad mag-isip ng hindi maganda. Ang mabilis na panghuhusga ay kadalasang sanhi ng sigalot at problema. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-12-19-27-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lalago ang negosyo kapag nakikipagkuwentuhan ka sa iyong mga suki. Huwag kang tumulad sa iba na walang kibo, na parang makina at suplado. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-13-26-29-31-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag-kaalaman ang nakukuha sa tanong nang tanong, kaya bakit ka mahihiyang magtanong? Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-20-22-33-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mamasyal ka sa ibang lugar. Kahit pa maganda ang isang lugar, pumapangit din ito kapag doon lang laging pumupunta. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-28-36-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Isabuhay mo ang kasabihang, “Ang tumutulong sa kapwa ay tutulungan din ng langit.” Kaya huwag kang magagalit kapag ang tinulungan mo ay nakalimot. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-23-25-32-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ihihinto ang pagdedebosyon mo sa iyong kinikilalang Diyos. Ito ang sikreto kung bakit ka pinagpapala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-10-12-27-33-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabilis kang aasenso sa pagsisikap at sa mga espesyal na tulong ng mga nagmamahal sa iyo. Kaya ituloy mo lang ang pagsusumikap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-21-35-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang mga nagpapasakit ng ulo mo. Nabubuhay ka para magsaya at hindi para malungkot. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-15-25-32-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ilagay mo sa kita ng negosyo ang tulong na ibibigay sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-24-26-31-43.






Comments