top of page

Horoscope | July 21, 2021 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 21, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 21, 2021 (Miyerkules): Itataas ng iyong kapalaran ang ranggo mo sa buhay. Mahalin at alalayan mo ang mga nasa ibaba dahil ang totoo, sila ang tuntungan ng iyong mga paa.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipanatag mo ang iyong sarili dahil paangat ka nang paangat at palakas ka nang palakas. Wala pa ring magagawa ang mga lihim at lantad mong mga kaaway kundi ang tumunganga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-14-20-25-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka mawawalan ng mga suwerte. Ang mawawala sa iyo ay ang mga kamalasan. Suwerte na ring masasabi ang ganu’n, pero may iba pang suwerte na darating. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-13-16-24-30-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Makikitang muli kang nagdududa sa iyong kakayahan. Ang nakatutuwang balita para sa iyo, kahit kulang ang tiwala mo sa sarili, makukuha mo pa rin ang gusto mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-17-21-25-34.


CANCER (June 21-July 22) - Bumibilis ang pagganda mo at hindi lang sa katawan kundi maging sa kapalaran. Ingatan mong matalo ka ng sobrang kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-29-30-45-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag lumagay ka sa gitna, hindi ka magkakaproblema pero kapag may pinanigan ka, gugulo ang buhay mo. Kaya mas magandang ikaw ay pumagitna. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-22-25-32-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka dapat umasa sa iba. Hindi ka isinilang para maging palaasa. Ang totoo, marami ang umaasa sa iyo. Ito ang papel mo sa mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-20-25-31-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Taglay mo ang kakaibang kagandahan, isang misteryosong ganda na wala sa iba. Ito ang sandata at instrumento na magagamit mo sa anumang layunin sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-24-26-35-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo ang para sa iyo. Ito ang gawin mong gabay sa iyong buhay. Ngunit ang kapalaran ang nagsasabing, ang iba na hindi naman para sa iyo ay mapupunta pa rin sa iyo. Ito ang pasya ng langit. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-10-14-25-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling nagbalik ang mga araw at ito ay ngayon na kung kailan dadagsa sa buhay mo ang naggagandahang mga bagay. Huwag mong kaliligtaan na magpasalamat palagi sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-24-39-41-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tutumba ang sinumang bumangga sa iyo at ang lumagay sa iyong harapan para ikaw ay hadlangan ay magiging sugatan. Ito ay dahil sa araw na ito, pinagkalooban ka ng kakaibang kapangyarihan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-26-30-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kailangan mo ang malalapit mong kaibigan. Hindi dahil ikaw ay mahina kundi dahil sila mismo ang pampasuwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-29-30-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakabahagi ka ngayon sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para mas marami at malalaki ang mapunta sa iyo, ipadama mo sa mga kapus-palad ang iyong pagmamahal. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-21-26-30-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page