Horoscope | July 17, 2021 (Sabado)
- BULGAR
- Jul 17, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 17, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 17, 2021 (Sabado): Maaaring hindi mo pa alam, pero ikaw ay likas na masuwerte kaya ang madidikit sa iyo ay susuwertehin din, lalo na ang mga may negosyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan. Madalas na mapatunayan mo na ang pagtitiwala sa kapwa ay nauuwi lang sa pagsisisi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-29-30-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka puwedeng matalo ng kalungkutang hindi mo rin naman alam ang dahilan. Kaya dapat magsaya ka at ang payo ay dumikit ka sa mga masayahin, palabiro at palakuwento. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-24-27-28-31-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka. Sa pagiging marahan, ang mga maaaring maganap na hindi maganda ay mapagpaplanuhan at maaagapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-15-20-25-32-34.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi nabubuhay ang tao sa kanyang sarili lamang. Kailangan din niya ang kanyang kapwa at kailangan din niya ng kaagapay. Ito rin ay susi sa tagumpay at kaligayahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-15-20-28-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw na mismo ang magturo sa iyong sarili kung paano lalabanan ang iyong mga kahinaan. Ito ay sa katotohanang ‘pag iba ang nagturo sa iyo, hindi mo pakikinggan at paniniwalaan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-16-24-26-35-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang umangal at kumontra sa mga alam mong mali at hindi mabuti na iyong nakikita. Mahirap paniwalaan pero ito ang susi para sumaiyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-19-20-27-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang mayroon ka, pagkasyahin mo. Kung lalapit ka sa ibang tao, mas mabuting sa dati nang tumutulong sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-17-20-21-24.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magpatalo sa negatibong naiisip mo. Kadalasan, ang tao ay lumilikha ng sarili niyang mga multo. Tinatakot ang sarili kaya nananatiling hindi umaasenso ang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-18-19-24-28-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi sagabal sa taong may ambisyon ang makakapal na ulap sa kanilang buhay. Kahit ang malalakas na ulan ay hindi nila pinapansin. Ito ang iyong isabuhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-19-21-24-31-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Susuwertehin ka. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang mga taong panay ang kontra sa mga iniisip at pinaplano mo. Aani sila ng masaklap na kahihiyan at matinding kalungkutan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-16-24-27-35-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para maging malalaki at marami ang mapasaiyo, patawarin mo ang nakagawa sa iyo ng pagkakamali at kasalanan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-15-20-29-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang pumalag at hayaan mo lang ang pangit na nakikita mo sa ibabaw ng mundo. Langit ang kikilos at mag-aayos ng lahat, habang ikaw naman ay tatanggap ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-16-22-25-30-34-41.







Comments