top of page

Horoscope | July 16, 2021 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 17, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 16, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 16, 2021 (Biyernes): Kakaiba ang ganda ng iyong kapalaran. May mga suwerte ka mula sa malayo at malapit, samantalang ang iba ay nagrereklamo dahil sila ay hindi sinusuwerte.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang binigyan ng mayamang imahinasyon ng langit. Magagamit mo ito sa anumang layunin sa buhay. Gayunman, ang payo ay nagsasabing gamitin mo ito upang mas umunlad iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-12-29-30-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Subukan mo muna ang nagpapakita ng pagtingin sa iyo. Huwag mong kalilimutan na ang mabilisang pagmamahalan ay nauuwi sa kabiguan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-13-25-34-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Magigising ka na nasa bagong mundo. Isang mundo na may pangako ng tunay na kaligayahan, pero may kailangan ka pa ring gawin at ito ay kalimutan nang ganap ang nakaraan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-13-20-31-33.


CANCER (June 21-July 22) - Yakapin mo nang mahigpit ang kasalukuyan. Huwag kang magbabago ng landas. Ang natatanaw mong akala mo ay maganda ngayon, pagsisisi lang ang iyong makukuha kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-18-27-36-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Maiiba ang iyong tututukan ngayon dahil mas pahahalagan mo ang sinasabing sa malayo ka puwedeng umasenso at tuluyang yumaman. Pero may paunang puhunan at ito ay lakasan mo ang loob mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-16-19-21-28-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napakahilig mong makipagdebate at kahit ang sarili mo ay kinakalaban mo. Ang maganda sa ganito ay nakakadiskubre ka ng magaganda at mapakikinabangan mong pormula ng tagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-17-24-25-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo, hindi ka titigil. Kaya naman nagtatagumpay ka na mapasaiyo ang gusto mo pero ngayon, ang babala ay mapapalaban ka nang todo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-22-27-30-31.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag nahihirapan ka, umayaw ka na. Hindi ka ipinanganak para magdusa. Huwag mong kaligtaan na ang daliri, kapag napaso ay umaatras at natututo sa kanyang naranasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-25-26-34-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag dinagdagan mo ang puhunan, bibilis ang iyong pagyaman. Ang ganitong pormula ay may kondisyon na magdadagdag lang kapag maganda ang takbo ng negosyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-16-20-23-32-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sikapin mong bumalik ang nawala sa iyo. Gawin mo ito kapag ikaw ang nagkamali. Kapag hindi naman ikaw ang nagkamali, ang payo ay nagsasabing hayaan mong siya ang tuluyang mawala. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-20-28-33-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magsayang ng oras sa mga madramang tao. Ang mas maganda ay ang makapiling mo ang mga masayahin at mahilig sa paglalakwatsa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-11-14-28-30-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gamitin mo ngayon ang kakayahan mo na pagtutuos. Para malinaw, huwag mong tuusin ang nabigay na sa ngalan ng pag-ibig. Sa halip, ang tutukan mo ay kung kumikita ka ba o hindi sa negosyo? Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-20-22-26-39-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page