top of page

Horoscope | July 10, 2021 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 10, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 10, 2021 (Sabado): Kabilang ka sa iilang likas na masuwerte. Ibig sabihin, suwerte ka at suwerte rin ang mga magiging bahagi ng iyong kapalaran, kung saan sila ay susuwertehin dahil sa iyo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ayon sa iyong kapalaran, kapag masaya ka, bubuwenasin ka. Kapag naman malungkot ka, siyempre, alam mo na kung ano ang ibig sabihin. Kaya magsaya ka at magsaya nang magsaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-21-26-29-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo gawin ang pagkakawang-gawa. Malalaking biyaya ang mapasasaiyo at hindi mo na masasabi na walang napapala ang pagtulong sa kapwa kundi konsumisyon lamang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-25-27-30-37-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Puwede kang iligaw ng iyong sarili. Malaki ang tsansa na akalain mo na mas susuwertehin ka sa taong biglang naging malapit sa iyo, pero ang totoo ay mas buwenas ka sa dating suwerte mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-12-28-38-40-41.


CANCER (June 21-July 22) - Proteksiyon ang kaloob sa iyo ng nasa itaas laban sa mga may masamang motibo. Bibigyan ka rin ng langit ng ilang suwerte na magbubunga ng sobrang inggit sa mga naiinggit na sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-16-22-27-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Sa sinumang magtatangka na sirain ang araw mo, langit ang kanilang makakabangga. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-20-21-24-25-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magsuot ka ng bago at bubuwenasin ka. Dahil ang anumang bagong bagay na suot mo ay ang magsisilbing pampasuwerte mo ngayon. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-17-25-27-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ngayon ang pagpapalit ng mga plano. Panindigan mo ang mga ito at maging ang minamahal ay panagutan mo. Kung ano ang iyong kasalukuyan, ito mismo ay magbubunga ng suwerte at magandang kapalaran sa hinaharap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-14-16-23-30-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon mo bigyan ng laya ang iyong sarili. Ngayon mo rin pasayahin at pahalagahan ang iyong sarili. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-24-31-38-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mawawala ang mga alalahanin mo at ang iyong mga takot ay mapapalitan ng sigla at saya dahil ang magagandang balita ay makikita mong mangyayari talaga. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-22-28-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gulung-gulo ang mga kontrabida sa buhay mo dahil alam nila na bigo silang bigyan ka ng kalungkutan at problema. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-25-28-35-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit mali ang maging pagkilos at mga katwiran mo ngayon, hindi sapat ang mga ito upang mabago ang pasya ng langit na ngayon ay masuwerte ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-23-29-30-32-36-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadalhin ka ng mga paa mo sa harap mismo ang panggagalingan ng masarap mong buhay. Huwag mo itong talikuran dahil tadhana ang nagpasya at nagpanukala ng lahat ng ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-24-26-38-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page