top of page

Horoscope | July 07, 2021 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 7, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 07, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 7, 2021 (Miyerkules): Obligado kang lumayo sa iyong lupang sinilangan dahil ang isa sa sikreto ng iyong kapalaran ay makakaharap mo nang mukhaan ang katuparan ng iyong mga pangarap sa malalayong lugar.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pinalakas pa ng langit ang iyong imahinasyon para lalo mong mapakinabangan upang mas umunlad pa ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-29-30-41-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Naghihintay lang naman ang nasa malayo na malapit sa puso mo na magsabi ka at agad kang pagbibigyan. Hindi ka niya kayang tanggihan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-26-38-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang pagkilos mo dahil masyadong makikialam ang isip mo sa iyong ginagawa. Mas makabubuting kahit bumagal ka pa, huwag mong ipagpaliban ang naiplano na. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-11-18-22-26-28-34.


CANCER (June 21-July 22) - Kapag napansin mong nagiging negatibo ka, agad kang bumalik sa pagiging positibo dahil noon, hindi ba’t nang ikaw ay negatibo, gumulo ang buhay mo? Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-21-26-30-31-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Aanhin ng tao ang maraming pera kung mapapalayo naman ang loob ng kapwa niya? Huwag mong kalimutan, itali mo sa iyong daliri na hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao, nabubuhay din siya sa kagandahang loob at pakikisama. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-23-29-30-41-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mong makipagdebate ngayon, hindi dahil matatalo ka kundi dahil mauubos ang mahahalagang oras na puwede mong magamit sa mas makabuluhang bagay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-21-29-31-32-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tuluy-tuloy ang magandang daloy ng iyong kapalaran. Sa ngayon, tunay ngang hindi pa makakasingit ang mga naghahangad na mabigo at masaktan ka. Hindi ito ang araw nila dahil ngayon ay araw mo pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-14-16-17-25-28.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Paparami ang obligasyon mo, pero paparami rin ang mga biyayang ipagkakaloob ng langit. Palakasin mo ang iyong kalusugan at huwag mong abusuhin ang lakas mo. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-21-29-31-38-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang laman ng isip, ‘yun ang mangyayari. Bakit mo pupunuin ng takot at alalahanin ang isip mo? Tumingin ka sa magaganda at mapupuno ng ganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-30-31-33-37-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Puwede namang habang kumikilos ay gumagana ang mayamang kaisipan. Subukan mo at magugulat ka dahil mas magiging produktibo ka ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-8-10-14-16-28.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo lang napapansin, nahuhulog ang loob mo sa isang dikit nang dikit sa iyo. Umiwas ka nang sa gayun ay makapagpokus ka sa lalo pang pag-unlad ng iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-22-25-27-35-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumalambot ang iyong damdamin. Hindi ito maganda para sa negosyo. Kung gusto mong mas umangat pa ang kabuhayan, ang payo ay nagsasabing kontrolin ang iyong emosyon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-20-29-33-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page