Horoscope | July 01, 2021 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 01, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 1, 2021 (huwebes): Itinakda kang manguna at kung ikaw ay hindi sinasadyang pumangalawa, kikilos ang kapalaran mo at ilalagay ka sa una.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka mauubusan ng mga pagkakataong mas umangat pa ang buhay mo. Kahit makaranas ka ng panandaliang pag-atras, ipanatag mo ang iyong loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-17-20-23-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa masaya at sasaya ka. Ito ay totoo at ang isa pang totoo, kapag dumikit ka sa masuwerte, ikaw din ay susuwertehin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-28-31-35-36-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbabago ang lagay ng panahon kapag may namumuong bagyo. Ganundin ang tulad mong nakararanas ng pagbabago, pero bagyo ng mga suwerte ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-11-15-28-35-37.
CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka nang kumilos dahil ang kuwento ng matanda at batang palaka ay nagsasabing, ang huli ay kumilos nang kumilos kaya mahimalang dumating ang kaligtasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-20-25-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi maganda ang asa lang nang asa. Kahit sabihin pang hindi naubusan ng pag-asa pero ayaw namang maghanap ng paraan para ang inasahan ay magkaroon ng katuparan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-25-27-30-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sukatin mo ang kakayahan ng iyong kaharap nang sa gayun ay may pauna kang kaalaman at hindi ka basta-basta maniniwala sa pangako na alam mong hindi naman niya magagawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-14-25-34-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang hintayin pa ang kalamidad para tumulong sa kapwa. Mas pinagpapala ang matulungin na hindi na naghihintay ng panahon kung kailan tutulong. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-20-21-25-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Higit kailanman, ngayon ka dapat maging matatag at matibay, hindi dahil nahaharap ka sa pagsubok kundi dahil tatag at tibay din ang kailangan nang mapanatili ang magandang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-19-23-26-35-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan maluwag, dapat doon lumakad. Sa ganitong paraan, mapabibilis ang iyong pag-asenso. Huwag kang tumulad sa iba na naghahanap pa ng sakit ng katawan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-12-24-35-36-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpatulong ka dahil hindi masama ang magpatulong, pero piliin mo lang ang hihingan mo ng tulong dahil ang iba ay sisiraan at mamaliitin ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-25-28-34-39-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magtiwala ka sa iyong kapwa, pero mag-ingat ka rin. Hindi porke sinabing magtiwala ay ipauubaya mo na ang lahat sa iyong pinagkakatiwalaan. Muli, dapat ka ring mag-ingat. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-16-21-26-39-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masaya ang mabuhay nang maraming kaibigan, pero kailangan, ang mga kaibigan ay talagang tunay. Suriin mo ngayon ang iyong mga kaibigan at hanapin ang tunay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-10-15-26-34-38.




Comments