Horoscope | January 4, 2024 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 4, 2024
Sa may kaarawan ngayong Enero 4, 2024 (Huwebes): Huwag mo nang masyadong guluhin ang iyong sarili kung bakit hindi ka nauunawan ng ibang tao. Yayaman ka at lahat sila ay magsisilapit sa iyo na parang kilalang-kilala ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Angat na angat ka kaysa sa mga nasa paligid mo. Huwag mong pansinin ang mga naiinggit sa iyo dahil kahit ano’ng gawin nila, hindi ka naman nila maaabot. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-9-14-19-27-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong hayaang lumakad ang mga panahon na ikaw ay hindi nakatodo sa iyong pangarap. ‘Wag mong aksayahin ang mga araw dahil ginagamit ang mga ito para lalo pang umunlad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto- 7-16-24-37-40-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Paalala ang kailangan mo at hindi salita ng hula. Ikaw ay pinapaalalahanan na bawasan ang pagsasaya dahil ang mga araw na darating ay para sa pagyaman. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-9-18-22-30-45.
CANCER (June 21-July 22) - Kilala mo ang sarili mo na ikaw ay maramdamin. Kapag kilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan ay puwede niyang gawing kalakasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-7-25-34-38-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magalit kapag matigas ang ulo ng kausap mo. Ikaw din naman ay matigas ang ulo, lalo na sa mga bagay na gustung-gusto mo na sinasalungat ng malalapit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-28-31-35-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tulungan mo ang nangangailangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-15-18-23-24-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipakita mong desidido kang makuha ang pinapangarap mo. Sa ganitong paraan, ang mismong langit ay gagawa ng mahimalang bagay para mapuno ang puso mo ng kagalakan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-16-19-21-29-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag malaya ang mga tao, huwag kang magmamadali. Nakukuha ang magagandang bagay sa pagiging marahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-17-23-28-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Ngayong 2024, silipin mo ang binuo mong plano at huwag kang magkakamali upang hindi ka mabigo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-27-33-38-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ang mga suwerteng mapasasaiyo ay magagamit mo sa iyong paglalakbay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-19-22-31-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo ang mga ayaw makiisa. Akala nila, ang kanilang paraan ay tama, pero sa huli, kapag nakaranas na sila ng napakaraming pagkakamali, hahanapin ka nila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-16-26-34-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi nabibigo ang patuloy na lumalaban, kaya walang karapatan ang sinuman na sabihing bigo ka na sa buhay mo. Sila ang mabibigo at mapapahiya kapag naabot mo na ang iyong gusto. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-13-20-29-36-43.




Comments