Horoscope | January 31, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 31, 2022
Sa may kaarawan ngayong Enero 31, 2022 (Lunes): Malalaking suwerte ang inilaan sa iyo. Pinatitibay at pinatatatag ka ng iyong kapalaran nang hindi masayang ang mga ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isang hakbang paatras, dalawang hakbang pasulong. Sa ganitong paraan, mas mabilis kang uunlad. Kaya ang payo na dapat kang sumulong nang sumulong ay hindi para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-23-29-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang panahon para muli mong sulyapan ang mga naiplano mo na. Ang ganitong sistema ay para maitugma mo sa bagong kaganapan ang iyong mga hakbang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-24-29-33-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka dahil hindi ngayon ang panahon ng pagsugod. Ang nakikinig sa payo ay napapabuti at ang bumabalewala rito ay napapahamak at nakakaranas ng masaklap na kabiguan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-27-30-33-41.
CANCER (June 21-July 22) - Nagbababala ang araw na ito na tatalunin ka ng lungkot na nakalapit dahil sa maling pananaw mo sa buhay. Ang payo ay nagsasabing makipag-ugnayan ka sa malalapit sa puso mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-15-23-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Umiwas ka sa anumang klase ng debate. Hindi dahil ikaw ang matatalo kundi ang ilang suwerte mo ay maaaring malipat sa iyong makakatunggali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-20-21-26-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap paniwalaan, pero kailangan mong malaman na kapag nagkaroon ka ng ilang sandali ng katahimikan, mabilis na papasok sa isip mo ang naggagandahang pormula ng pagpapayaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-19-24-27-35-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi puwedeng ipatupad mo ang mga nasa isip mo. Ang mga ito ay makagaganda sa buhay mo, pero wala sa tamang panahon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-24-25-30-35-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibabalita ng iyong kapalaran na ang mga bagong naiisip mo na puwedeng magpaunlad ng iyong buhay ay puwede mo nang ituloy ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-14-21-25-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mo nang pagtuunan ng pansin ang nawala. Ang iyong panahon ay gugulin mo sa mga nasa sa iyo ngayon dahil sila ang nagpapasaya at nakahandang umalalay sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-8-28-31-35-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ilabas mo ang iyong sarili sa sitwasyon na maiipit ka. Piliin mo ang pansamantalang pag-iisa kung saan walang pinapanigan at tamihik lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-16-21-24-38-35-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakaibang pormula ng kapalaran ang kailangan mong gawin. Galitin mo ang malalapit sa iyo na alam mong may suwerte sa buhay at malilipat sa iyo ang ilan sa kanilang mga suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-24-28-36-38-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palihim at dahan-dahan kang kumilos para sa ikauunlad ng buhay mo. Huwag kang tumulad sa iba na sobrang nagsasaya agad kapag gumaganda ang kanilang kalagayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-5-11-16-29-34.




Comments