Horoscope | January 30, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 30, 2022
Sa may kaarawan ngayong Enero 30, 2022 (Linggo): Paangat ka nang paangat hanggang maabot mo ang dulo ng iyong pangarap. Iwasan mong magmalaki dahil ang pagmamalaki ang magpapabagsak sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibigyan ka ng pagkakataong mas mapaganda pa ang iyong kalagayan sa larangan ng salapi at pagpapayaman. Huwag mo itong sasayangin dahil sa mga panandaliang saya at ligaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-13-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa umaasenso habang lumayo ka naman sa mga taong walang pangarap. Dito sa mundo, ang gustong umasenso ay umaasenso at ang ayaw mangarap ay walang mararating. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-20-25-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Maghangad ka ng mas malaki at sobrang laki rin ng mapakikinabangan mo. Sa biglang tingin, ito ay hindi magandang payo pero ito ang pormula o tamang paraan ng pagpapayaman. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-19-21-26-30-32-38.
CANCER (June 21-July 22) - Tutukan mo ang iyong pinagkakakitaan. Ngayon ang tamang panahon para kumita ng mas marami kaysa sa dati. Huwag mo itong palagpasin nang hindi ka manghinayang sa huli. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-16-23-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap ang pagtaas at madali ang pagbagsak. Tanggapin mo ang katotohanan na rito sa mundo, ang sinumang gustong umasenso ay kailangang dumaan sa hirap at pagsisikap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-26-30-35-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nadaragdagan ang kulang at ang sobra ay nababawasan. Huwag mong isipin na negatibong bagay ang iyong pagkukulang. Samantala, dahil may kulang ka, tiyak na madaragdagan ka. Ito ang simpleng mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-9-18-29-31-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dapat magtabi ang kumikita ng malaki. Huwag kang tumulad sa marami na kapag kumita ng malaki ay gumagastos din ng malaki. Sa huli, sila ay magsisisi at manghihinayang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-11-17-24-34-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mamahinga ka, pero may kailangan kang malaman tungkol sa tamang pamamahinga. Ito ay nagsasabing, hindi lang katawan ang dapat magpahinga kundi pati ang isip. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-23-28-33-38-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumanat ka pa at huwag kang hihinto. Ang araw na ito at mga darating pa ay para sa iyo. Kumbaga, ang mga ito ay inilaan talaga para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-15-24-35-40-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gagamitin ka ng isang tao para umangat siya. Magpagamit ka, pero kailangang umangat ka rin. Kapag ganito ang nangyari, wala kang dapat pagsisihan, sa halip ay mas matutuwa ka kaysa sa kanya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-16-22-27-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo alam, pero ikaw ang inspirasyon at lakas ng gustong umasenso. Ililihim niya ito sa iyo dahil ang alam niya ay mahirap para sa kanya na maging bahagi siya ng buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-14-16-27-33-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang matakot na magkaroon ng mga bagong kaibigan dahil mismong kapalaran mo ang magbibigay nito sa iyo upang magamit mo sila sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-7-19-20-25-42.




Comments