Horoscope | January 29, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 29, 2022
Sa may kaarawan ngayong Enero 29, 2022 (Sabado): Malakas ang iyong pandama. Mabilis mong nakukuha ang tunay na motibo ng nakakaharap mo, kaya walang dahilan para ikaw ay maisahan ninuman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kontrolin mo ang iyong emosyon. Kapag hindi kontrolado ng tao ang kanyang damdamin, madalas na nakakagawa siya ng mga bagay pagsisisihan niya sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-19-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling magpapakita ng lakas ang iyong likas na gayuma. Ang totoo nga, bawal sa iyo ang magtagal sa harap ng salamin dahil sobrang hahanga ka sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-24-29-31-32-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag ka nang makisali sa magulong sitwasyon. Sa araw na ito, ang maganda para sa iyo ay ang magsaya kaysa makihalo sa problema ng mga kaibigan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-20-21-25-35.
CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at mga araw pang darating. Ngayon din ang araw para hilingin sa langit ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng kaligayahan sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-20-25-34-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo magagawa ang gusto mong gawin dahil awa ang tatalo sa iyo. Kaya huwag mo nang ipilit ang mga balak mong ikalulungkot ng isang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-13-14-27-31-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aatakihin ka ng hindi mo maipaliwanag at maunawaang lungkot na kahit magsaya ka ay nandu’n pa rin. Ang solusyon, halungkatin mo ang mga naitago mong masasayang alaala ng lumipas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-21-24-33-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang iyong magagandang katangian dahil kapag ito ay ginamit mo, ang lahat ng gusto mo ay mapasasaiyo. Ito ang sikreto ng kapalaran kaya walang dahilan upang hindi ka magkaroon ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-20-34-41-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Isang pribilehiyo ito para magkaroon ng pagbabago sa iyong buhay, kaya ‘wag mo itong sayangin. Muli, hawak mo ang iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-25-26-35-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli, magparaya ka sa mahihina. Hindi kahinaan sa panig mo ang paminsan-minsa’y pinagbibigyan mo ang mga nasa ibaba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-15-18-29-26-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pansinin mo na sa araw na ito, ang magagandang bagay ay nangyari sa buhay mo. Maling-mali kapag ang pinagtutuunan mo ng pansin ay ang mga kabiguan noong mga nakaraang panahon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-23-27-30-32-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka sasaya, roon ka. Bakit hindi mo matakasan ang nagbibigay sa iyo ng kalungkutan? Ang isa pang payo ay higit kaninuman, mahalin mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-15-22-25-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mabahala. Alisin mo ang iyong takot dahil kumikilos ang langit para gumanda ang iyong buhay. Ito ay ginagarantiyahan ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-16-20-30-35.




Comments