Horoscope | January 28, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 28, 2022
Sa may kaarawan ngayong Enero 28, 2022 (Biyernes): Magdaratingan ang malalaking suwerte at darating din ang maliliit at magagandang kapalaran. Ang buhay mo ay mapupuno ng kaligayahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Saya ang malakas na puwersang humihila sa magagandang kapalaran kaya magsaya ka. Ang lungkot naman ay malakas na puwersang sumisira sa takbo ng buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-27-30-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masasayang ang iyong mga pagsisikap na ginawa at gagawin pa lang. Ang sayang na sayang ay ang mga pagkakataong natakot kang magsikap dahil baka mabigo ka. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-18-20-21-27-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Nangangamoy na ang simoy ng hangin na ang dala ay mga regalo sa panahon ng Araw ng Puso, at ikaw ang unang reregaluhan. Sa maniwala ka o hindi, ngayon mo matatanggap ang espesyal na regalo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-8-11-14-17-23.
CANCER (June 21-July 22) - Dakila sa mga mata ng langit ang mga bata. Ito ang dahilan kaya madalas mahulog sa iyo ang magandang kapalaran. Ikaw ay nakikitang malapit sa mga musmos na bata. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-21-24-30-32-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang ibigay mo. Hindi dapat maulit ang naganap na dumidiskarte ka para sa mga nanghihingi sa iyo ang tulong. Dapat noon ka pa natuto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-28-30-31-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapos ka man sa kilos, susuwertehin ka pa rin dahil sa araw na ito, hindi muna papansinin ng langit ang iyong kahinaan at ang mga bagay na hindi mo agad mabago. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-24-33-36-40-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aani ng pangit na kapalaran ang sinumang hahamon sa iyo. Siya ay tiyak na mapapahamak, ibig sabihin, kahit hindi mo patulan, makakaranas agad sila ng malulupit na kaganapan sa kanilang buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-27-36-43-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pantay-pantay sa mga mata ng langit ang lahat ng nilalang. Mali ang akala ng mayayabang na sila ay nakahihigit sa iyo. Ngayon, ikaw naman ang puwedeng magyabang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-28-37-43-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka kakapusin sa magagandang kapalaran. Maraming inireserba sa iyo ang langit at ito ay para lamang sa iyo na ikamamangha ng mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-5-14-29-31-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawakan mo nang mahigpit ang mga suwerteng ipinagkakaloob sa iyo. Huwag mong tularan ang iba na ipinagyayabang ang mga suwerte nila. Ito ang malaking pagkakamali ng tao. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-19-20-24-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakagulat dahil lalayasan ng mga suwerte ang nang-api sa iyo. Ang mas nakakagulat, sa iyo mapupunta ang kanilang magandang kapalaran hanggang sa maubos ang kanilang suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-7-10-25-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Simple lang ang pormula para ikaw ay buwenasin. Magkunwari kang walang-wala at magdaratingan sa iyo ang mga suwerte mo na tila buhos ng ulan na hindi matapos-tapos. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-12-25-30-35-42.




Comments