Horoscope | January 27, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 27, 2022
Sa may kaarawan ngayong Enero 27, 2022 (Huwebes): Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na ikaw ang panalo sa bawat pagharap mo sa mga pagsubok. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang iyong mga kahilingan. Huwag mo nang habaan ang iyong hiling at ‘wag mo nang lagyan pa ng mga dekorasyon. Sa simpleng hiling, agad na ipagkakaloob sa iyo ang mga ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-23-28-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang ang kailangan mo. Hindi ka puwedeng manatili na hindi sumusubok makipagsapalaran dahil dito, malalaman na ikaw ay may buwenas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-24-27-30-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mag-alala. Bakit ka nag-aalinlangan? Noon, naranasan mo nang madapuan ng malaking suwerte nang namuhunan ka ng lakas ng loob. Huwag kang matakot at gawin mo itong muli. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-29-35-37-40-42.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na itutulak ka ng iyong kapalaran sa bagay na iyong kinatatakutan. Gawin mo at sa huli, matutuwa ka dahil may mga suwerte kang nakukuha nang hindi ka gaanong nahihirapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-22-23-26-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka ngayon. Pahiramin mo ng lakas ang mahihina. Ito ang utos ng langit sa iyo. Kapag pinahiram mo ng lakas ng loob ang mahihina, tatanggap ka ng napakalaking biyaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-10-28-29-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nasa tabi mo lang ang iyong suwerte, kaya hindi maganda kung hahanap ka pa sa malayo. Nagtatampo ang suwerte kapag hindi pinapansin. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-25-27-29-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sarili mo ang iyong pampasuwerte. Para mapatunayan kung ito ay totoo o hindi, makipagsapalaran ka at ikaw ay mananalo, pero kailangan mong sarilihin ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-23-27-30-32-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tumataas ang kumpiyansa mo sa iyong sarili at lalo pa itong tataas dahil nagbunga na ang mga pagsasakripisyo at pagsisikap mo sa nakaraan. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-20-24-29-31-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sa iyo nakatingin ang marami, kaya hindi ka puwedeng magpakita ng kahinaan. Ikaw ang kanilang inspirasyon kaya lalo mong pagbutihin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-9-17-21-28-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mismong langit ang maglalapit sa iyo sa suwerte. Ang totoo, dati mo nang naranasan na ang mga suwerte ay kusang lumapit sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-26-29-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang mga matampuhin. Kusa rin silang babalik sa iyo dahil may nakukuha silang suwerte kapag ikaw ay kanilang kadikit at kasama. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-13-19-21-24-25-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin dahil ito ang makabubuti para sa iyo. Huwag kang mag-alala sa opinyon ng iba dahil sa huli, kabilang sila sa hahanga at pupuri sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-22-28-31-36-37.




Comments