top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | January 26, 2022 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 26, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 26, 2022 (Miyerkules): Napakalakas ng iyong personalidad kaya ang mahihina ay didistansiya sa iyo at ang kapwa mo malakas ay makakabangga mo, pero ikaw pa rin ang magwawagi.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nahahadlangan ang paglabas ng lakas ng iyong emosyon. Mahirap mang tanggapin, ang payo ay nagsasabing hindi ka dapat maawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-18-20-34-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag naunawaan mo na ang buhay sa mundo ay laro lamang, hindi ka na masasaktan. Bakit ka magseseryoso kung paglalaruan ka lang naman? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto- 11-17-21-25-28-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo kailangang magpaliwanag sa ibang tao. Sila ang dapat magpaliwanag sa iyo kung bakit pinanghihimasukan nila ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-16-22-25-34-37.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat magpatangay sa mga makabagong paniniwala. Hayaan mo ang iba na baguhin ang buhay nila. Ang magagandang kapalarang para sa iyo ay nasa pananatili ng personalidad mo sa dati na niyang ugali. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-11-15-23-25-34-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Simple at madaling gawin ang paraan para ikaw ay suwertehin. Ito ay nagsasabing pasayahin mo ang palagi mong nakakasama na mas mababa ang pagkatao kaysa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-11-17-21-27-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi baleng magalit ang iyong tinanggihan kaysa ikaw ang sumama ang loob dahil hindi siya tumupad sa inyong pinag-usapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-16-29-31-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong sayangin ang iyong oras sa pakikipagtalo. May magagandang bagay na puwede mong asikasuhin kaysa sa walang saysay na pakikipagdebate. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-27-30-35-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Paulit-ulit na manlalamang ang masasama at nandaraya. Kaya ang pinakamaganda ay umiwas ka sa kanila. Ito ay kung ayaw mong paulit-ulit kang madaya at masaktan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-19-25-31-36-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasayang naglalaro ang mga dahon at hangin. Bakit hindi ka rin magsaya? Makipaglaro ka sa mga pangkaraniwang tao, sila ang mga dahon sa ibabaw ng mundo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-13-16-22-28-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bibigat ang pakiramdam mo, pero wala kang sakit. Ito ay nagsasabing hindi ka dapat magsimula ng mga bagong proyekto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-20-25-27-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil aakalain mong binigyan ka na naman ng mga suliranin, pero sa huli, suwerte pala ang ipinagkaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-14-17-21-26-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Napag-uusapan ang problema, kaya ‘wag mong takasan. Ang pagtakas ay mauuwi sa mas malalaki at maraming sakit ng ulo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-26-28-30-31-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page