Horoscope | January 25, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 25, 2022
Sa may kaarawan ngayong Enero 25, 2022 (Martes): Taglay mo ang malikhaing kaisipan na puwede mong magamit sa pagpapayaman. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka kapos sa mga ideya na magpapaganda ng iyong buhay. Kaya hindi rin hadlang sa iyo ang limitadong materyal na hawak mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-19-20-24-39-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kikislap mula sa malayo ang suwerteng darating sa iyo. Pansamantala mong makakalimutan ang mga suliranin na nagpapagulo sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-29-30-33-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran. Ang mabibilis mong pasya ay babalewalain kaya tama ka man o mali, ang iba’t ibang uri ng suwerte at magagandang pangyayari ay darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-24-35-38-45.
CANCER (June 21-July 22) - Mahirap paniwalaan ang iyong kapalaran ngayon dahil ito ay nagsasabing, ngayon ay kakapusin ka pero ang kapos sa iyo ay pupunuin at labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-6-18-23-28-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbabalikan ang magagandang pagkakataon na iyong pinalagpas dahil abala ka sa ibang bagay. Huwag mo nang sayangin ang magandang araw na ito na para sa iyo. Mauswerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-21-24-30-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagpaparamdam ang malamig na simoy ng hangin. Ang gustong ipahiwatig nito sa iyo ay dapat ang maging produkto mo ay mga bagay na may kaugnayan sa kasangkapan sa modernong komunikasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-14-26-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong maliitin ang iyong sarili dahil hindi mo nakuha ang gusto mo ngayon. Dito sa mundo, ang mga kabiguan ay pansamantala lamang at lumilipas din. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-24-28-34-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit may madidilim na ulap sa kalangitan, nasa ibang lugar ang pag-ulan. Ganundin sa iyong kapalaran, ang mga pag-aalala mo ay walang epekto sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-27-30-38-41-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumukuha ng lakas ang mga suwerte mo. Alam mo ba kung saan sila kumukuha? Para sa iyong kaalaman, kinukuha nila ang ilang suwerte ng iba at inililipat sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-28-32-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang sa tingin mo ay hindi pabor na mga pangyayari sa iyo. Sa isip mo lang naman hindi maganda ang mga ito, kaya huwag kang maging negatibo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-15-17-25-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dadagitin ka ngayon ng malaking suwerte na biglang magpapabago sa buhay mo. Dadalhin ka nito sa malayo kung saan mayayakap mo ang iyong magandang buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-22-33-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung magkamali ka, huwag kang mag-alala dahil ang kapalaran ng bawat tao ay may sariling proseso kung saan ang mga hindi dapat mangyari ay naayos din. Aayusin ng langit ang iyong kapalaran patungo sa lalo pa nitong pagganda at pag-unlad. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-7-11-29-30-41-46.




Comments