top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | January 24, 2022 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 24, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 24, 2022 (Lunes): Hindi humihinto ang iyong kapalaran para pagandahin ang iyong kalagayan kahit madalas ay nagkakamali ka. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Biglang gaganda ang takbo ng mga pangyayari at papabor sa iyong mga kagustuhan. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang iyong obligasyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-24-28-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malabong magkamali ang nag-iisip. Dahil dito, mag-isip ka ng higit na maganda na dapat mong gawin sa harap ng mga suliranin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-12-16-21-24-27.

GEMINI (May 21-June 20) - Pansinin at pasalamatan mo ang kabaitan na ipinakikita sa iyo ng mga tao na ganundin ang mga biyayang iyong natatanggap. Kapag palagi kang nagpapasalamat, mas maraming biyaya ang magdaratingan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-23-38-39-41.

CANCER (June 21-July 22) - Kung ayaw mo, ayaw mo. Hindi maganda ang tulad ng dati na gusto mo pero kunwaring inaayawan mo. Maging tapat ka sa iyong sarili upang bigyan ka ng mas marami pang suwerte at magandang kapalaran ngayong taon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-22-23-27-28-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mapapaaga ang pagdating sa iyo ng suwerte dahil nakita ng langit na higit kailanman, ngayon mo kailangan ang mga buwenas na gugulat sa iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-2-10-17-20-24-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maaakit ka sa maganda sa paningin. Makabubuti ito para sa iyo dahil sisigla nang sisigla ang iyong pakiramdam. Sapat ang mga ito para manalo ka sa mga hamon ng iyong kapalaran na iyong kinakaharap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-14-24-27-30.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Mapasasaiyo ang mga suwerte na regalo ng langit. Ang mga suwerte ng iba na hindi nila pinapansin dahil abala sa ibang bagay ay mapasasaiyo na rin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-22-23-33-39-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na ang mga kinatatakutan mo ay hindi mangyayari dahil ang mga ito ay nasa isip mo lang naman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-15-27-32-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sa panahong ito, kikilos ang langit kung saan ibababa ang mga nasa itaas at ikaw ang papalit. Huwag mong tularan ang kanilang pagkakamali nang hindi mo maranasan ang nangyari sa kanya. Kapag naging mabuti ka, mananatili ka sa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-20-29-31-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala nang kusa ang mga problema mo kahit wala kang gawin. Huwag ka nang magtaka pa dahil mismong langit ang kikilos para sa iyong ikaliligaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-28-32-36-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya ka dahil ang araw na ito ay para sa iyo at sa pagsasaya. Ang sinumang magtangka na bigyan ka ng lungkot, siya mismo ang malulungkot. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-15-20-31-35-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humakbang ka kahit isa o dalawang hakbang lamang. Langit na ang bahalang maghakbang ng mga paa mo papunta sa lugar kung saan makakaharap mo ang katuparan ng iyong mga ambisyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-22-24-28-30.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page