top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | January 23, 2022 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 23, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 23, 2022 (Linggo): Mabilis na pagdedesisyon ang magdadala sa iyo sa malalaking tagumpay. At ang mabagal na pagpapasya ay sagabal sa pag-unlad.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang unang nasabi mo, gawin mo, ‘wag ka nang magdalawang-isip dahil hindi makabubuti sa iyo ang pabago-bago ng sinasabi. Sundin mo ito nang sa gayun ay hindi ka manghinayang at tiyak na magtatagumpay ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-15-28-30-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dadapo sa iyo ang mga suwerte kahit wala kang ginagawang anuman at kahit tila tinatamad ka. Noon pa nagpasya ang langit na bigyan ka ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-28-30-32-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Nasa larangan ng kabuhayan ang iyong suwerte. Tutukan mo ang pagpapalago ng iyong kinabukasan nang mapakinabangan mo ang magandang pagkakataong ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-21-27-35-38.

CANCER (June 21-July 22) - Pag-aralan mo munang mabuti ang iyong mga plano at itugma mo ito sa kasalukuyang kaganapan para makaiwas ka sa mga problemang dulot ng mabilisang pagkilos. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-13-21-26-34-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, lakas ng loob ang susi mo sa tagumpay. Ang malakas ang loob ay umaani ng magagandang kapalaran at hinahangaan ng mga duwag. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-24-25-34-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hawak mo ang iyong kapalaran at kaya mong kontrolin ang mga kaganapan. Ngayon ang magandang pagkakataon para magawa mo ang mga hindi mo nagawa sa nakaraan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-21-26-30-32-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magtiwala ka sa langit, dahil hindi nito binibigo ang may malinis na layunin. Ang nabibigo at dumaranas ng masaklap na kabiguan ay ang mga mandaraya at may masasamang iniisip sa kapwa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-10-18-22-28-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pakinggan mo ang mga payo mula sa matalik mong kaibigan. Kahit kailan, hindi niya hahangarin na ikaw ay masaktan at mapahamak. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-24-27-32-36-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ipagpatuloy mo ang pagiging maingat nang sa gayun ay makita mo nang maaga ang mga problemang puwedeng humadlang sa iyong kagustuhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-19-25-27-41-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpapatangay sa mga payong sa biglang tingin ay maganda. Isip ang paganahin mo at ang kakayahan mong matuos ang puwedeng mangyari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-26-30-32-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magdaratingan ngayon ang mga puwedeng makatulong sa iyo, pero piliin mo ang katugma ng iyong mga katangian at ugali. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-10-19-21-28-34-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magdaratingan na ang mga suwerte mo. Kung lalakasan mo ang iyong loob, pikit-mata, sugod nang sugod, ang magiging resulta nito ay tagumpay at malaking pag-unlad. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-3-15-16-29-35-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page