top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | January 22, 2022 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 22, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 22, 2022 (Sabado): Huwag mong katakutan ang iyong mga kaaway dahil ang lihim na katotohanan ay nagsasabing, malaki ang takot nila kapag ikaw ay naging kaaway nila.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit maraming araw na makapal ang mga ulap, ang liwanag ay naghihintay lamang. Ibig sabihin, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-24-39-40-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manindigan ka at magbabago ang iyong kapalaran kung saan gaganda ang takbo ng buhay mo. Ito ang pangako sa iyo ng langit kapag hindi ka natinag at ikaw ay naging matibay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-24-27-35-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Bilisan mo pa ang iyong mga kilos. Hindi makakasingit sa iyo ang pag-aalinlangan, pero kung mabagal ka, makikita mo ang katotohanang sa pag-aalinlangan, nabibigo ang tao. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-29-35-38-42.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat matalo ng pangamba, pag-aalala at negatibong kaisipan, lalo na ngayong gaganda na ang takbo ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-29-30-34-37-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Patuloy ang pag-ikot ng kamay ng orasan ng buhay. Huwag kang magpapaiwan dahil hindi ka dapat manatili sa kalungkutan. Maraming magagandang bagay ang naghihintay sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-15-21-23-39-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagbababala ang iyong kapalaran na kapag pinansin mo ang mga palakontra, babagal ang iyong pag-asenso. Itutok mo ang iyong sarili sa mga binuo mong plano at ito ay isa-isa mong makakamit ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-20-25-27-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Papasok sa kapalaran mo ang kaganapan. Sa huli, masasabi mong ito pala ang simula ng katuparan ng iyong malalaking ambisyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-16-22-28-30-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naiiwan ang mabagal kaya huwag kang babagal-bagal. Maraming nakukuhang biyaya ang mga nauuna at hindi nagpapaiwan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-14-18-25-30-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang magandang hinaharap ang natatakot sa dilim dahil siya ay hindi makakilos. Pero ang mga buo ang loob ay matutuklasan ang eksaktong daan ng maginhawang buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-20-21-26-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mapapalaban ka sa isang makulit at ayaw magpatalo, pero higit kaninuman, mas makikinabang ka sa kanyang kakulitan. Ito ang hiwaga ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-22-25-28-30-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap paniwalaan na kahit wala kang gawin, ang malalaking suwerte ay kusang magsisilapit sa iyo. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-19-25-28-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pansinin ang maiingay na wala namang alam. Marami ang aastang marunong at magaling sa lahat. Huwag mong bigyan ng panahon ang mga ganitong tao dahil sisirain nila ang araw mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-26-31-36-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page