Horoscope | January 21, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 21, 2022
Sa may kaarawan ngayong Enero 21, 2022 (Biyernes): Palagi kang nasa mataas na kalagayan kapag ang mga paa mo ay palaging nakasayad sa lupa. Ibig sabihin, magpakumbaba ka at huwag magmalabis sa hawak mong kapangyarihan. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagdaratingan pa lang ang mas marami at magagandang kapalaran na noon pa inilaan ng langit para sa iyo. Huwag mong kaligtaan na isabuhay ang pagkakaroon ng positibong pananaw dahil magdaratingan ang suwerte at magandang kapalaran sa pamamagitan ng mga ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-20-26-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong katakutan ang mga pagsubok sa iyong harapan. Tandaan mo na lumilipas din ang mga pagsubok kahit wala kang gawin. Ito ang hiwaga ng buhay ng tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-16-29-31-33-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Magbawas ka at madaragdagan ka. Una mong bawasan ang mga abubot at kalat sa iyong silid upang ito ay lumuwag at umaliwalas. Ito ang sikreto ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-15-23-25-36.
CANCER (June 21-July 22) - Itapon mo ang iyong negatibong pananaw. Ito ang hadlang kaya hindi dumadapo sa iyo ang mga suwerteng malapit na sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-17-20-22-24-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka na parang hindi mo iniinda ang mga sinasabi ng mga tao laban sa iyo. Kapag ginawa mo ito, ang masasaktan ay ang mga taong walang magawa kundi sirain ang araw mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-20-24-32-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi pa nagsisimula ang laban, pero ang mga duwag at mahihina ang loob ay mapabibilang na sa talunan. Higit kailanman, ngayon mo kailangang magpakita ng tapang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-25-29-36-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ayaw mo, ayaw mo. Pero bago ka umayaw, pag-aralan mo munang mabuti kung ang pagtanggi mo ay hindi na magbabago. Huwag mong dayain ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-25-31-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-ingat ka dahil ang taong sa biglang tingin ay umaabante ang buhay ay makararanas ng hindi sinasadyang pinaaatras ng malalapit sa kanila ang papaunlad na kalagayan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-15-26-34-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - May babala na maari kang matulad sa gamo-gamo na naaakit sa kislap ng liwanag at sa huli ay nasira ang pakpak at hindi na nakalipad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-25-26-33-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit malakas ang tao, kailangan niya ang kasama sa buhay. Piliin mong mabnti ang para sa iyo dahil may ilang tao na ang layunin ay makinabang lang sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-23-33-36-42-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakasawa rin ang masarap na buhay. Muli mong mararanasan na makipagsapalaran sa ibang larangan dahil madarama mong nakakabagot ang mga pangyayari. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-22-21-25-28-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang kilos ng mga nasa paligid mo, ‘yun din ang iyong ikilos. Ang anumang sobra ay pagmulan ng inggit. Muli, kung ano ang ikikilos nila, ‘yun lang din dapat ang ikilos mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-11-15-24-41.




Comments