Horoscope | January 19, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 19, 2022
Sa may kaarawan ngayong Enero 19, 2022 (Miyerkules): Mas marami ang mga suwerte mo kaysa sa mga pangkaraniwang masusuwerte. Huwag na huwag mong kalimutang magpasalamat sa nasa itaas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lagyan mo ng saya ang iyong mga kilos at magugulat ka dahil malalaking buwenas ang guguhit sa kapalaran mo. Muli, lagyan mo ng saya ang mga kilos mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-17-27-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang piliin mo. Hindi maganda sa tao na kung ano pa ang magpapahirap sa kanya ay ‘yun ang ginugusto. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-21-29-31-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Mapalad ka simula sa araw na ito. Gayunman, kailangan pa ring maging masinop ka sa mga biyayang mapasasaiyo. Iwasan mo ang ugaling kapag masaya ay nagiging gastadora ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-25-27-38-43.
CANCER (June 21-July 22) - Dumikit ka sa masayahin at ikaw ay susuwertehin. Dumikit ka sa malungkutin at ikaw ay mamalasin. Ang mahalaga ay yakapin mo ang may pangarap upang ang buhay mo ay umunlad. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-6-19-20-26-34-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bumabagsak ang ulan kapag makapal na ang ulap. Iwasan mong mapuno ka ng negatibong pananaw. Mas maganda na kumilos nang may sigla at sigasig. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-23-27-33-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itaas mo pa ang iyong pangarap, kumbaga, lakihan mo ang iyong ambisyon. Ito ang tunay na susi ng tagumpay na kapag sinunod mo, kahit ano’ng mangyari ay malaki pa rin ang makukuha mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-15-22-23-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang pumayag na ikaw ay maalipin ng kahit na ano at sino. Ikaw ay isinilang na malaya at hindi para lamang sumunod nang sumunod sa kagustuhan ng iba. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-12-16-28-30-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Palayain mo ang iyong sarili sa pagkakaalipin ng kabiguan. Mas magandang harapin ang mga araw kung saan isasabuhay mo ang sinasabing, sa dilim ay nagniningning ang mga bituin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-15-23-26-37-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Baka nakalimutan mo na ikaw ay tagapag-utos at hindi tagasunod. Ikaw din ay hindi tagapanood lamang dahil ang isa sa mga papel mo sa mundo ay ang manguna at mamuno. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-11-17-21-27-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumapit ka sa mga aral sa buhay na iyong natutunan. Ilalayo ka ng mga ito sa kasawian at mas mapapaganda pa ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-13-14-27-35-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nag-aabang sa daan ng buhay na iyong nilalakaran ang mga hamon ng iyong kapalaran. Huwag kang mangamba at maduwag dahil ang lahat ng ito ay iyong malalagpasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-14-18-20-23.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumalago ang halaman kapag nadidiligan. Gumawa ka ng paraan para mapasaya mo ang iyong sarili. Hindi puwede na ikaw ay mananatili lamang sa iyong kasalukuyang kalagayan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-29-21-25-31.




Comments