top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | January 18, 2022 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 18, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 18, 2022 (Martes): Malalaking tagumpay ang para sa iyo, kaya ang numero-unong payo ay nagsasabing hindi dapat maliliit ang iyong mga pangarap. Lakihan mo ang mga ito dahil tiyak na ito ay mapasasaiyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang pagkakataon para mas palakasin mo pa ang iyong pagpapayaman. Tutukan mo ang iyong pinagkakakitaan at huwag kang malibang sa mga walang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-19-23-24-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dito sa mundo, ang mahina ay inaapak-apakan. Hindi ito puwedeng mangyari sa iyo dahil malakas ka kaysa sa iba. Huwag kang papayag na matalo ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-29-39-42-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Masisingitan mo ang nag-aakalang panalo na siya. Ang totoo, paulit-ulit lang na nangyayari sa buhay mo na nakakaagaw ka ng suwerte mula sa mga tunay na sinusuwerte. Ito ang hiwaga ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-29-30-31-36.

CANCER (June 21-July 22) - Biglaan ang mangyayari at maging ikaw ay magugulat dahil ang taong galit ngayon ay sobrang malapit sa iyo. Kalimutan mo na ang nakaraan at harapin mo ang maraming bukas nang may pagmamahal. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-17-27-38-42-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magpapatuloy ang magandang takbo ng iyong pinagkakakitaan. Ito ay bunga ng mabuting pagpaplano mo sa nakaraan. Puwede kang mamahinga at mamasayal sa kung saan mo gusto. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-18-28-30-37-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gustong-gusto mong kumilos, kaya labanan mo ang mga negatibong pananaw na humaharang sa iyong pag-unlad. Ngayon mo ito gawin dahil ito ang panahon ng pagpapayaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-18-27-38-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malalakas ang iyong mga kalaban pero wala silang magagawa ngayon dahil punumpuno ka ng saya at ligaya habang ang mga suwerte ay patuloy na nagdaratingan sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-20-24-33-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - May mga pagkakataon sa buhay ng tao na kailangang may mabawas nang sa gayun ay mabigyang-daan ang mas marami pang mga suwerteng nag-aabang ng pagkakataong makapasok sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-28-39-42-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka dapat huminto. Nakakapanghinayang ang araw na ito kung kailan marami pang madaragdag sa iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-17-24-25-37-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi masama kung babawasan mo ang iyong kita at gagamitin sa pagpapasya ng iyong sarili. Ang totoo, mas mahalaga ang nagsasaya dahil sumisigla at lalong nagsisikap ang tao kapag palagi siyang nakadarama ng saya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-12-18-30-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Higit sa lahat, mahalin mo ang iyong sarili. Bakit mo mamahalin kaysa sa iyong sarili ang nagbibigay sa iyo ng sama ng loob? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-15-28-34-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Manghiram ka ng lakas ng loob sa sugod nang sugod. Sugurin mo rin ang magagandang oportunidad dahil ngayon ang tamang panahon para sa mga gustong umasenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-28-29-35-37-40.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page