top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | January 17, 2022 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 17, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 17, 2022 (Lunes): Itinakda na mapasaiyo ang malalaking ambisyon. Hindi na ito mababago kahit magkamali ka pa ng pasya sa iyong buhay. Magpasalamat ka sa Dakilang Manlilikha.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa likod ng mga hamon ng iyong kapalaran ang naglalakihang suwerte mo, kaya harapin mo nang mukhaan ang mga hamon ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-18-28-36-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahirap paniwalaan na ang iyong magagandang kapalaran ay magmumula sa malalapit sa iyo na madalas ay iyo ring kinaiinisan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-21-25-38-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Magsuot ka ng masasayang kulay at tiyak na hindi lang simpleng kasiyahan ang mapasasaiyo. Bagkus, ang nakamamanghang suwerte ay dadapo rin sa iyong katawan, na magsisimula sa pagpasok ng Pebrero. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-13-16-24-26-33.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi negatibo ang pangyayaring nasasaktan ka ngayon. Ito ay isang positibong bagay na nagsasabing matapos mong masaktan, sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang isa-isang magdaratingan sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-16-21-29-30-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Gagawin kang instrumento ng langit. Ang magiging papel mo sa buhay ng isang tao ay ang tagapagturo ng paraan na magbibigay sa kanya ng mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-18-22-28-31.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun ang gawin mo. Humihina ang makina ‘pag masyadong mabigat ang kanyang binubuhat. Ito ang payo para sa iyo nang makaiwas ka sa karamdaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-16-29-36-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit nasa bahay ka, isuot mo ang iyong damit na pang-alis dahil ito ang magsisilbi mong pampasuwerte. Muli, isuot mo ang iyong damit na panlakad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-19-24-28-39-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pairalin ang sinasabing lakas sa lakas at ngipin sa ngipin. Mas makagaganda para sa iyo na ikaw ay tahimik lang sa kabila ng mga initrigang likha ng iyong kaaway. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-23-26-34-37-40-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo kailangan ng anumang bagay para buwenasin ka ngayon. Sapat nang makita ng langit na ginagawa mo ang lahat para sa iyong magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-15-26-30-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka bibiguin ng langit sa gagawin mong kahilingan, kaya humiling ka na kahit nag-aalinlangan. Mas maganda na hilingin mo ang pinakagusto mo sa lahat. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-21-29-30-35-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong labanan ang umaaway sa iyo. Kahit wala kang gawin, sila ay matatalo mo at ang huling halakhak ay nakalaan sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-12-21-25-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipinapayo ng iyong kapalaran na alisin mo ang iyong sapin sa paa habang nasa bahay ka. Ito ang iyong pampabuwenas kung saan malalaking suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-24-28-35-40.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page