top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | January 16, 2022 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 16, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 16, 2022 (Linggo): Malayo ang iyong mararating. Ibig sabihin, magiging matagumpay ang iyong buhay. Ito ang ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling iiral ang iyong mayamang imahinasyon. Maganda ito para sa pagpapalago ng kabuhayan, pero iwasan mong mapunta ang iyong imahinasyon sa mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-17-20-25-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ituloy mo! Huwag kang aatras sa ipinangako mo sa iyong sarili na magpapayaman ka na. Sa gagawin mong ito, aalayan ka ng langit para matupad ang lahat ng iyong pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-14-21-24-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Makikitang kung ano-ano ang laman ng isip mo. Ibasura mo ang iba na alam mo na walang kauuwiang maganda, kumbaga, ‘wag kang makipagsapalaran sa walang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-15-24-30-40.


CANCER (June 21-July 22) - Nagbababala ang araw na ito na dadayain mo ang iyong sarili sa mga ideya na imposible namang magkatotoo. Bumalik ka sa reyalidad nang sa gayun ay muli kang lumakad sa tamang daan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-28-30-33-38-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pagtutok ang kailangan mo sa gusto mong mangyari. Hindi maganda kung magbabago ka ng plano. Ang kahulugan ng pagtutok ay ang tuloy-tuloy na pagkilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-25-27-34-37-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bakit mo tinatakot ang iyong sarili? Ang dapat mong takutin ay ang iyong mga karibal at kakumpitensiya nang sa gayun ay maiiwan mo sila nang milya-milya. Gawin mo ito ngayon na! Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-17-22-28-31-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magpalit ka ng pormula ng tagumpay at piliin mo kung saan ka madadalian. Hindi puwede sa iyo ang mahihirap na paraan, ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-19-20-28-39-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdagan mo ang kulang para mas marami kang kitain. Huwag kang mag-alala dahil ang pagdaragdag ay nagpapabilis ng pagpapayaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-25-30-33-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang maniwala sa kahit na sino. Isa lang ang paniwalaan at pagkatiwalaan mo at ito ay ang iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-19-22-28-41-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makikitang nagkukulang ka sa tapang at nadaragdagan ang iyong takot at pag-aalinlangan. Balikan mo ang iyong nakaraan kung kailan tinalo mo ang mga pagsubok sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-16-18-26-34-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makikitang lumilipad ang isip mo. Nagbababala ito na maaaring maligaw ang iyong isip. Ibig sabihin, nasa tama ka pero puwede kang magkamali kung hahayaan mo sa paglipad ang iyong isip. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-20-25-30-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masuwerte ka ngayon, pero may kondisyon na nagsasabing makipagsapalaran ka kahit hindi mo alam ang magiging resulta. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-24-39-40-46.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page