Horoscope | January 15, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 15, 2022
Sa may kaarawan ngayong Enero 15, 2022 (Sabado): Lahat ay kinakabahan sa kahihinatnan ng kanilang kinabukasan, lalo na sa panahong ito na patuloy pa rin ang pandemya. Ngunit ginagarantiyan ng araw ng iyong pagsilang na may maganda kang kinabukasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa iyong kapalaran at huwag kang mag-aalinlangan. Kikilos ang mahihiwagang planeta para sa mas mabilis mong pagyaman. Ito ang mensahe ng
iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-9-11-18-20-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawakan mo nang mahigpit ang mga biyaya at suwerteng kaloob sa iyo ng langit. Isipin mo, marami ang nagrereklamo dahil sila ay pinagdadamutan ng kapalaran. Ngunit mapalad ka dahil tulad ng nasabi na, ikaw ay palaging pagbibigyan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-8-21-29-33-38
GEMINI (May 21-June 20) - Nagmamadali ang ilang suwerte na dumapo sa iyo dahil marami ang nagkakainteres sa kanila, kaya lang, ang utos sa kanila ng langit ay hanapin ka kahit nasaan ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-20-24-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kumukuha ng malakas na buwelo ang malaking suwerte na hindi napasaiyo dahil masyado kang negatibo. Huwag kang mag-alala dahil tiyak na mapasasaiyo rin ito kapag naging positibo ang laman ng iyong isipan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-17-24-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Masyado kang seryoso, kaya ang masasayang suwerte ay hindi makadikit sa iyo ngayon. Kailangang maunawaan mo na kapag may saya ang buhay, tiyak na ikaw ay mas bubuwenasin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-19-22-26-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pumili ka lang ng isa sa napakaraming magagandang ideya na nasa isip mo. Kahit ano ang mapili mo, tiyak na aasenso ka. Ang hindi maganda ay kung wala kang mapili na kahit ano. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-12-27-28-30-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakasama ang napakalakas na ingay. Lumayo ka muna sa mga nasa tabi mo na masyadong maingay at tila hindi marunong magsalita ng marahan at malumanay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-16-18-28-35-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabilis na lalago ang iyong negosyo kapag ang produkto mo ay ang gusto ng mga tao. Iwasan mo na ang sarili mong gusto ang iyong ibenta. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-23-36-40-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang mga nasa paligid mo dahil akala nila ay sobrang kailangan mo sila, pero ang totoo, kahit nag-iisa ka ay kaya mong umasenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-15-22-29-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Init ang panlaban sa lamig. Maghanap ka ng magpapasigla sa buhay mo. Puwedeng tao at bagong pangarap. Huwag mong kalimutan na init ang panlaban sa lamig. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-25-26-34-40-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang iyong piliin. Kahit kailan at magpakailaman, hindi puwede na mainip ka dahil mabilis kang magsawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-28-31-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Talas ng isip ang magliligtas sa iyo sa mga mapagsamantala. Dapat mo ring malaman na sobrang interesado ang mga ito na maisahan ka. Muli, talas ng isip ang paganahin mo, ngayon na. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-19-22-24-25-37-46.




Comments