top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | January 13, 2022 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 13, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 13, 2022 (Huwebes): Huwag mong ipahiram ang iyong mga suwerte dahil madalas na nagagamit ng iba ang suwerte mo. Hindi ito dapat mangyari sa buhay mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo ang anumang klase ng pakikipagdebate. Hindi ngayon ang panahon ng pakikipagbungguan ng pinaniniwalaan. Mas maganda na kumilos para sa pagpapaunlad ng buhay. Masuwerteng kulay-violet. Masuwerteng numero-18-20-24-39-40-46.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa mga kilalala mong inggitera at inggitero. Hindi mo mahahalata na inggit sila sa iyo at pilit na inaalam ang iyong mga lihim. Pagkatapos, sisiraan ang iyong pagkatao ‘pag hindi ka katabi. Masuwerteng kulay-peach. Masuwerteng numero-4-10-14-29-30-31.

GEMINI (May 21-June 20) - Kambal na suwerte ang makukuha mo, pero ito ay nakakubli sa hindi magandang pangyayari. Kaya ang payo para sa iyo ay tanggapin mo nang maluwag sa loob ang anumang magaganap sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Masuwerteng numero-5-18-20-23-39-43.

CANCER (June 21-July 22) - Babala ng kapalaran ang kailangan mong malaman, kung saan sa araw na ito, ang hindi pagkakaunawaan ay lalagay sa iyong harapan. Kaya dapat kumalma ka lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-apple green. Masuwerteng numero-11-19-21-28-34-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lumayo ka sa anumang kaguluhan nang hindi ka madamay. Kahit ang maging tagapamagitan ay iyo ring iwasan. Wala nang mas maganda pa sa tahimik na buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Masuwerteng numero-6-15-29-33-37-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lawakan mo ang iyong pang-unawa. Hindi lahat ay tulad mong matalas ang isip. Ang totoo nga, marami ang mahina ang isip at ang iba ay hindi na nagagawa pang mag-isip. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Masuwerteng numero-2-15-17-24-27-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Paano mo lalayuan ang iyong kinaiinisan? Ang totoo, siya ay iyong pagtitiisan. Mahirap lang paniwalaan, pero siya ang iyong pampasuwerte ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Masuwerteng numero-17-20-23-38-39-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magparaya ka. Hindi naman kahinaan ang hindi patulan ang taong hindi maganda ang ugali dahil siya ang mapipintasan at hindi ikaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Masuwerteng numero-1-18-22-28-34-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gawin mong mag-isa ang gusto mong tapusin. Kapag nagpatulong ka, sa maniwala ka o hindi, maiinis ka lang at lalong babagal ang gawain mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Masuwerteng numero-8-22-28-35-40-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang kapalaran mo. Dahil kapag ginawa mo ang ayaw na ayaw mong gawin, hindi mo inaasaahan na ang mga suwerte ay dadagsa sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Masuwerteng numero-6-10-12-15-24-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling dumating ang araw kung kailan pagbibigyan ng langit ang mga kahilingan mo. Sabihin mo lang ang gusto mo at tiyak na ito ay matutupad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Masuwerteng numero-9-18-21-27-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang makibahagi sa mahirap na proyekto. Hindi ka isinilang para dumaan sa mahihirap na gawain. Kung makita ng langit na nasa ganu’ng kalagayan ka, dadalhin ka Niya sa sitwasyong ikaw ay madadalian at masisiyahan. Masuwerteng kulay-black. Masuwerteng numero-3-17-25-29-32-36.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page