top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | January 12, 2022 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 12, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 12, 2022 (Miyerkules): Itinakda kang humawak ng matataas na puwesto. Mahalin at pagmalasakitan mo ang mga nasa ibaba. Sila ang iyong tuntungan kaya ka nasa itaas.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Papaangat nang papaangat ang iyong kabuhayan kahit nakakaranas ka ng mga pagsubok. Huwag kang aatras, ituloy mo ang iyong hangarin na yumaman nang yumaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Masuwerteng numero-9-11-17-23-25-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sumandal ka sa alam mong hindi ka pababayaan. Huwag kang sumandal sa akala mo ay mabait sa iyo pero hindi naman pala dahil inuuto ka lang. Kumbaga, kung sino ang subok mo na, siya ang aalalay sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Masuwerteng numero-12-18-20-25-30-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magpapatangay sa nanggugulo lang. Sila ang panay ang kontra sa iyo kung saan ang mismong buhay nila ay walang kaayos-ayos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Masuwerteng numero-17-23-28-31-32-38.

CANCER (June 21-July 22) - Bawasan mo ang iyong pagiging emosyunal. Mas maganda na balanse lang ang damdamin at isip. Sa ganitong paraan, makikita mo nang malinaw ang magagandang oportunidad. Masuwerteng kulay-yellow. Masuwerteng numero-16-17-26-38-41-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang kukurap, ibig sabihin, hindi ka puwedeng masingitan ng kahit kaunting pag-aalinlangan. Ang payo ay nagsasabing palagi mong iispin ang hirap na iyong pinagdaanan. Masuwerteng kulay-purple. Masuwerteng numero-14-16-23-35-40-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Likas na talino ang magdadala sa iyo sa mas mataas na kalagayan. Dahil ito ang wala sa iyong mga karibal at kakumpitensiya ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Mauswerteng kulay-pink. Masuwerteng numero-2-11-18-25-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakagugulat ang iyong kapalaran dahil ikaw ang napusuan ng isang gustong-gustong magtagumpay sa buhay na noon ay walang inspirasyon noong hindi ka pa niya nakikilala. Masuwerteng kulay-beige. Masuwerteng numero-9-10-15-18-28-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumapit ka sa aral ng buhay na iyong natutunan sa mga araw na wala kang malapitan. Ito mismo ang magsisilbing instrumento mo para lumaki nang lumaki ang iyong ipon. Masuwerteng kulay-blue. Masuwerteng numero-3-11-19-27-39-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ang araw mo, ibig sabihin, puwede mong sabihin sa langit ang iyong malalaking kahilingan at kahit may pagkaimposible ay gagawa pa rin ng paraan ng nasa itaas upang ito ay matupad. Masuwerteng kulay-black. Masuwerteng numero-6-18-22-25-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon magdaratingan ang regalo sa iyo ng langit. Ang nakakatuwa pa, tapos na ang Kapaskuhan at Bagong Taon pero reregaluhan ka pa rin. Ito ang masaysang balita ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Masuwerteng numero-4-19-10-24-30-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hawak mo ang iyong kapalaran. Kapag ang gusto mo ay bagong kapalaran, ito ay matutupad. Kapag naman nagpasya ka na kung ano ka ngayon ay ‘yun ka pa rin bukas, puwede rin itong matupad. Masuwerteng kulay-peach. Masuwerteng numero-7-10-14-16-27-30.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang gusto mo ay mapasasaiyo. Bago mo makuha ang gusto mo, mag-isip ka munang mabuti. Baka matulad ka sa iba na sinabi ang gusto at pagkatapos ay nagsisisi dahil hindi ‘yun ang gustong-gusto nila. Masuwerteng kulay-red. Masuwerteng numero-4-11-19-24-27-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page