top of page

Horoscope | January 10, 2024 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 10, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 10, 2024

Sa may kaarawan ngayong Enero 10, 2024 (Miyerkules): Magpapatuloy ang pagdaloy ng mga suwerte sa buhay mo dahil hindi ka rin humihinto sa pagpapakita ng pagmamahal sa iyong kapwa.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magpraktis ka ng mga pananalita na umaakit sa mga suki at kliyente mo dahil sa haba ng mga araw na nasa bahay ka lang, maaaring nabawasan na ang galing ng iyong dila. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-24-33-40-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumalma ka lang. Pagkatapos ng utos na bawal lumabas ng bahay, bibigyan ka ng pagkakataong mapuntahan ang magagandang lugar na noon mo pa iniisip na pasyalan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-20-26-37-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Ikaw ang magbibigay ng saya sa mga kasama mo sa bahay. Pagkatapos ng walang labasan, ikaw ay makikitang nakadarama ng lungkot dahil hahanap-hanapin mo ang saya at ligaya. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-14-23-31-38-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Tiis-tiis lang dahil hindi naman gaanong kahabaan ang mga araw na idaragdag sa pananatili sa bahay. Nakakainis man, wala ka rin namang magagawa, kaya muli, tiis-tiis lang muna. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-13-20-29-32.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Panatiliin mo ang pagiging malinis hindi lang ngayon kundi sa lahat ng panahon dahil hindi lang iisa ang mikrobyo na nagkalat sa mundo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-25-28-35-43.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malakas at malusog na katawan ang panlaban sa lahat ng banta ng pagkakasakit. Dahil dito, huwag mong pababayaan na bumaba ang antas ng iyong natural na depensa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-27-38-40-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang masyadong malungkot. Dahil nakita ng nasa itaas, ang dati mong kalungkutan, kaya papalitan na ito ng saya na magsisimula na ngayong araw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-14-22-25-31-39.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pabalik-balik lang ang mga suwerte sa buhay ng tao. Ang masayang balita ay magbabalik ang mga suwerte pagkatapos ng mahabang araw na bawal lumabas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-21-36-40-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa minsan ang buhay ng tao. Nasaksihan mo ang ilan na hindi lumabas ng bahay. Ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran ay hindi ito magandang tularan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-18-21-29-36.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Paglilinis ng bahay ang una mong natutunan. Sa paglaya mo huwag mong kalimutan na mas maganda ang bahay kung ito ay laging malinis. Dahil ang magandang bahay ang aangkit sa sunud-sunod na suwerte sa taong ito ng 2024.  Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-20-23-25-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang makabubuti sa maraming tao, ‘yun ang panigan mo. Sa ganitong paraan, magiging masaya ang buhay mo at mas maraming magmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-22-34-40-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang maniwala sa nag-aalok ng malaking pera. Fake news lang ‘yan! Huwag mo ring kalimutan na ang mas epektibong paraan ng pagpapayaman ang pag-iipon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-17-25-28-36-45.

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page