top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | January 10, 2022 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 10, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 10, 2022



Sa may kaarawan ngayong Enero 10, 2022 (Lunes): Palagi kang dinadalaw ng mga suwerte kaya dapat palagi ka ring nakahanda at mas mabuting mabuhay ka nang may positibong pananaw.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sisingit ang lungkot sa iyong isip, pero tatalunin ito ng pagnanais mong mapaunlad pa ang iyong buhay. Dahil dito, matutuloy ang pagganda ng iyong kapalaran habang pumapasok ang taong 2022. Mauswerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-23-39-42-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumating na ang takdang panahon para sa iyo sa pagtatanim, pagpapatubo at pagpapalago sa mga bago at puwede mong pagkakitaan na magpapaganda ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-12-27-35-41-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Magsaya ka nang magsaya dahil ang araw na ito ay araw ng pagsasaya para sa iyo. Kapag masaya ka, ang matatamis na bunga ang iyong mga pagsisikap ay buong galak mong malalasahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-24-27-41.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong sarilihin ang natuklasan mong mabilis na sikreto kung paano aasenso. Sa halip, ibahagi mo ito sa malalapit sa buhay mo nang sa gayun ay hindi sila maging palaasa sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-16-26-34-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mahal ka ng langit. Tulad ngayon, hindi Niya pahahalagahan ang iyong mga pagkukulang dahil patuloy na mahuhulog sa iyo ang magagandang kapalaran na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-16-24-25-34-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pag-aralan mo ang takbo ng mga pangyayari sa iyong buhay. Ito ang pinakaepektibong paraan nang makuha mo ang magagandang oportunidad na darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-16-27-30-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli mong isuot ngayon at sa darating pang mga araw ang paborito mong damit. Magugulat ka dahil magbabalikan at baka hindi na umalis pa ang mga suwerteng magdaratingan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-21-25-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang maghintay. Marami sa mga tao ang nagkakamali dahil naghihintay pa ng senyales bago kumilos. Ang totoo, mas nagugustuhan ng langit ang nagpapakita ng sigasig. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-19-23-31-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magugulat ka dahil magkakatotoo ang sinasabi na ang nawala ay doble ang balik. Baka malito ka pa sa pipiliin mo sa mga bagay na dobleng babalik sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-14-23-38-40-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lalong naiinggit ang inggitera. Tulad ngayon, ang naiinggit sa iyo ay lalong maiinggit dahil patuloy kang susuwertehin at siya ay patuloy na mamalasin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-28-39-42-43-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong sayangin ang oras mo sa walang kuwentang aktibidad, tulad ng pag-aabang sa mga opinyon at mensahe ng mga taong walang hangad kundi ang magyabang at siraan ka. Kilos ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-18-20-27-35-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sundin mo ang iyong sarili. Bakit ba ang sinusunod mo ay ang iba? Sila ay sasaya, samantalang ikaw ay malungkot. Gumising ka sa katotohanang ito sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-14-25-34-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page