Horoscope | January 09, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 09, 2022
Sa may kaarawan ngayong Enero 9, 2022 (Linggo): Mapasasaiyo ang malalaking ambisyon mo. Ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magmadali ka sa pagsugod sa mga oportunidad na nasa iyong harapan. Huwag kang mag-alala kung may malagpasan ka dahil sa ibang araw, mapasasaiyo rin ang mga ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-24-30-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Baguhin mo ang dapat baguhin at itugma mo sa gusto mong mangyari. Huwag kang tumulad sa iba na matigas ang ulo kung saan ipinipilit ang gusto kahit wala na sa lugar. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-20-21-28-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahihirapan ka ngayon, pero matutuwa ka dahil ang mapasasaiyo ay higit sa ipinuhunan mong pagod at hirap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-18-22-28-30-44.
CANCER (June 21-July 22) - Bibigyan ka ng kaluwagan ng langit upang hindi ka mahirapang abutin ang iyong mga pangarap. Huwag mong kalimutan na sa pag-abot, kikilos ang iyong mga kamay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-15-23-38-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon mo ipakita ang iyong tunay na lakas. Wala kang dapat ipag-aalala dahil nakapabor sa iyo ang langit at ang gusto Niya ay mapahiya ang mga lantad at lihm mong kaaway. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-26-35-40-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magdalawang-isip. Ngayon ang tamang panahon para umabante ang iyong buhay nang maiwanan mo nang milya-milya ang mga karibal mo. Huwag kang mag-alinlangan. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-11-19-20-21-27-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghangad ka. Huwag kang maniwala sa nagsasabing mali ang maging mapaghangad. Dinadaya lang nila ang kanilang sarili dahil dito sa mundo, walang puwang ang walang hangarin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-20-22-28-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka dapat manghinayang sa hindi napasaiyo. Ang panghinayangan mo ay ang mga bagay na nasa iyo na ngunit nawala pa. Maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga biyayang hawak mo na. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-12-25-31-34-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dagdag na sikap, dagdag ding biyaya. Ito ang itanim mo sa iyong isip dahil ito mismo ang sinasabi ng iyong kapalaran para sa araw na ito at sa darating pang mga araw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-25-38-41-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpaaawat. Ituloy mo ang gusto mo. Balikan mo ang iyong nakaraan at ikaw mismo ang magsasabi na kapag nagpumilit ka, napasasaiyo ang gusto mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-25-36-41-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kaya lang nalulungkot ang isang tao ay dahil hindi niya nakamit ang kanyang pangarap. Malabong mangyari ito sa iyo kaya magsaya ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-13-14-25-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong sayangin ang bawat araw. Ngayon ang panahon kung saan ang mga pangyayari ay papabor sa gusto mo na may kinalaman sa pag-unlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-23-27-31-37.




Comments