Horoscope | Hunyo 8, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 8, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 8, 2022 (Miyerkules): Hihintayin ka ng iyong magagandang kapalaran sa malalayong lugar. Ito rin ay nagsasabing puwedeng iwanan mo muna ang iyong lupang sinilangan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong mayamang imahinasyon nang sa gayun ay hindi ka maapektuhan ng mga araw na mahina ang takbo ng negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-20-25-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat magpasindak sa mga nababalitaan mong sumusuko dahil sa tagal ng pagganda ng panahon. Likas kang matapang at sa panahon ngayon, kapag nagmatapang ka, bubuhos ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-16-19-21-23-27.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo mailalabas ang iyong husay dahil makikitang sagabal sa iyo ang mga walang magawa kundi ikaw ay salungatin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-15-17-22-28-31-32.
CANCER (June 21-July 22) - Walang laman at buto ang mga multo, kaya hindi sila dapat katakutan. Mabuhay ka nang may positibong pananaw dahil dito magsisimulang magdatingan ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-29-34-35-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tumatatag ang mahina kapag humuhugot ng lakas sa kanyang inspirasyon. Ang kailangan mo ngayon ay inspirasyon sa buhay dahil ikaw ay makikitang parang nabubuhay mag-isa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-17-25-26-34-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang pinanggagalingan ng mga kakaibang pormula ng tagumpay. Marami ang gumanda ang buhay dahil ginawa nila ang mga narinig sa iyo. Subukan mo rin ito sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-15-21-29-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magbabago dahil hindi mo ito kailangan. Simpleng paghinto lamang sa mga nakasanayan mo, makikita mo na sa ibang araw, muling gaganda ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-8-14-21-28-30.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nahuhulog ang sobrang hinog na bunga kapag hindi inaani. Huwag mong hayaang tangayin ng hangin ang magandang pagkakataon. Sunggaban mo ang mga ito at lakasan mo ang iyong loob. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-26-27-33-35-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi maganda kung magpapaapekto ka sa mga haka-haka at walang basehang balita, lalo na ang mga negatibong paniniwala na puwedeng maging hadlang sa iyong mga plano. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-15-21-28-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbunga na ang mga pangamba. Sa huli, sila ang maghahari sa isipan ang tao. Sa ngayon, makabubuting ibalik mo ang tiwala sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-14-22-24-23-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kaya lang humihina ang hangarin ng tao ay dahil hindi buo ang kanyang loob. Dati nang buo ang loob mo, kaya ibalik mo lang ang dating ikaw. Tandaan mo na ang taong buo ang loob, ang yaman at ligaya ay lubos. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-11-14-30-33-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hangin ang laman ng lobo kaya ito nakakalipad. Ang hangin ay pangarap ng isang tao. Huwag mong isuko ang iyong pangarap. Ito ang mag-aangat nang todo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-18-20-23-39-41.




Comments