top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Hunyo 7, 2022 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 7, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 7, 2022 (Martes): Mas malalaki ang suwerte mo dahil mas malaki ang mga pagsubok mo at ang lahat ng ito ay iyong maipapanalo. Mas masuwerte ka kaysa sa mga pangkaraniwan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dadapo sa iyo ang malalaking suwerte kapag nakita ng langit na sapat ang lakas ng loob mo. Kaya huwag kang mag-aalinlangan na harapin ang mga hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-20-21-25-28-30.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa iyo na ang mga suwerte mo. Mas magandang gumawa ng pagkilos para sa katuparan ng mga pangarap mo nang sa gayun ay lalo ka pang umunlad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-22-24-28-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Kahit tamarin ka ngayon at parang nawala ang sigla mo, ang magagandang kapalaran ay hindi magpapaawat na magsilapit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-11-14-26-27-31.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwa ang kapalaran dahil kailangan mo pang malungkot upang pasayahin ka ng langit. Oo, walang alinlangan, ang malalaking kasiyahan ay guguhit sa buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-18-25-32-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Walang talab ang panalangin ng mga lihim mong kaaway. Hindi papayagan ng langit ang kahilingan ng mga hindi malinis ang pagkatao. Ikaw ang manalangin at dahil may malinis kang motibo, ang anumang panalangin mo ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-16-29-33-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Suwerte ka ngayon sa larangan ng pagkita ng malalaking halaga. Tutukan mo ang iyong pinagkakakitaan nang sa gayun ay hindi masayang ang magandang pagkakataong ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-18-23-35-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magmumula sa karelasyon mo ang iyong mga suwerte. Hindi mahalaga kung maganda o hindi ang relasyon n’yo sa kasalukuyan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-15-19-21-24-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makukuha mo ang anumang gusto mo sa kondisyon na magkukunwari kang mahina at duwag. Nakakapagtaka ang ganitong kapalaran mo, pero tiyak na magkakatotoo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-22-25-28-36-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpapatuloy ang magandang takbo ng iyong hanapbuhay. Ang mga bagay na nagpapahirap sa iyong kalooban ay pagagaanin ng langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-14-16-22-24.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magmadali dahil nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon na nagsasabing, kapag hindi mo pinahalagahan ang mga takdang oras, ikaw ay bubuwenasin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-23-31-33-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang iyong mga inayawan. Dahil sa mga bagong pakikipagsapalaran, naghihintay sa iyo ang magagandang kapalaran na nagsisimula nang magdatingan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-19-21-29-32-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagsisimula na ang tag-ulan, ibig sabihin, nagsisimula na rin ang mga araw kung kailan dadagsa sa buhay mo ang magagandang bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-22-25-31-35.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page