Horoscope | Hunyo 5, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 5, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 5, 2022 (Linggo): Huwag kang mag-alinlangan. Gawin mo agad ang gusto mong gawin dahil ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na makakamit mo ang anumang pinapangarap mong bagay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang kaya mong kunin sa mga nasa harapan mong magagandang oportunidad, kunin mo agad. Mabilis na mawawala ang mga ito, kaya sunggaban mo ang iyong gusto. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-37-39-40-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kalaban mo ang iyong sarili. Ikaw ay naduduwag at pinanghihinaan ng pag-asa. Nagkakamali ka dahil ang totoo, kapag lumakas ang loob mo, malalaking suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-28-30-31-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mamili. Hayaan mo ang iyong kapalaran na magpasya. Ito ang sikreto ng iyong buhay, na kapag itinaya mo ang iyong kapalaran, ang panalo ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-14-18-23-35-37.
CANCER (June 21-July 22) - Payagan mong mawala sa buhay mo ang sanhi ng iyong lungkot. Huwag kang tumulad sa iba na pawang lungkot na ang nakukuha, ngunit ayaw pa ring kumalas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-21-28-30-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pagkatapos suriin, ang lahat ay magbabago sa kapalaran mo. Ikaw ay natagpuang anumang araw ay sobrang sasaya, kaya huwag kang mabibigla sa pagdapo ng malalaking suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-19-25-39-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paganda nang paganda ang takbo ng kapalaran mo. Ngayon mo na isabuhay ang pag-iipon dahil ngayon ka maraming maiipon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-13-22-24-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makipag-ugnayan ka sa nasa malayo at kapag napasaya ka nila, makipagsapalaran ka at asahan mong ikaw ay mananalo. Ito ang sikreto ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-18-30-35-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit ka nagtitipid? Hihina ang iyong kalusugan at kapag nangyari ito, mas malaking problema ang mapasasaiyo. Kung ano ang magbibigay sa iyo ng saya, ‘yun ang dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-21-28-30-39-40-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpahinga ka muna sa nakakapagod na pagsisikap. Maglibang ka at ang piliin mong paglilibang ay ang pakikipagsapalaran. Magugulat ka dahil sobra-sobra ang magiging saya mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-17-23-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong patulan ang gagawa sa iyo ng hindi maganda. Sa halip, lihim kang matuwa dahil langit mismo ang magbibigay sa iyo ng malalaki at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-18-20-25-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sinukat ka ng langit ngayon at ikaw ay natagpuang kayang tumanggap ng malaking buwenas. Huwag ka nang masurpresa dahil ngayon ay alam mo na ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-21-27-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang makipagsapalaran sa malapit. Mas maganda kung pupunta ka sa malayo at du’n mo itataya ang kapalaran mo. Hindi mo man gaanong maunawaan ito, gawin mo pa rin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-24-26-33-35.




Comments