top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hunyo 4, 2022 (Sabado)

BULGAR
Jun 4, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 4, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 4, 2022 (Sabado): Ikaw ang dahilan kung bakit marami ang umaasenso sa mga naging bahagi ng buhay mo. Bakit sila ang uunahin mo? Ang asikasuhin mo ay ang sarili mong kapakanan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Guguluhin ka ng mga kontrabida, ngunit noon pa man ay itinakda na ang mangyayari. Habang kinokontra ka, tuloy-tuloy ka namang huhulugan ng langit ng iba’t ibang suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-24-29-34-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ka, ‘yun ang ipakita mo sa mundo. Magugulat ka dahil pipilitin ng mga may magandang buhay na ikaw ay maging bahagi ng kanilang tagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-14-25-34-42-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagkalat ang mga paladaing. Kaya lang naman pumangit ang kanilang buhay, dahil sila rin ay nabuhay sa maling ugali. Layuan mo sila dahil baka ikaw ay mahawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-35-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Labanan mo ang iyong damdamin na puwede kang tangayin sa mga negatibong bagay. Ang anumang negatibo ay wala namang ibinubungang maganda sa kapalaran ng bawat tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-23-26-35-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Umaangat ka at lalo pang umaangat. Ibig sabihin, papataas ang iyong kapalaran. Huwag mong kalimutan na dapat palaging nakasayad sa lupa ang mga paa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-18-26-29-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipinapayo ng kapalaran mo na ikaw ay dapat maging huwaran ng marami, lalo na sa pagpapakita ng wagas at dalisay na prinsipyo sa buhay. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-21-27-32-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pakinggan ang mga payo na maglalayo sa iyo kung saan ka maligaya. Bakit ka tutulad sa kanila na kulang na sa saya at kulang pa sa tamang katwiran? Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-20-26-27-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon ang araw at ang mga parating pa ay magagamit mo sa pagsisimula ng pagpapaganda sa iyong kinabukasan. Gawin mo na! Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-19-24-29-30-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagdaratingan ang mga araw kung kailan suko sa iyo ang iyong mga lantad at lihim na kaaway. Mauunawaan nila na wala silang magagawa para bumagsak ka. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-17-23-33-36-41-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kikilos ka na akala mo ay makukuha mo ang gusto mo. Pero ang mapasasaiyo ay ang dati mo pa gustong mangyari sa buhay mo, ngunit ito ay noon mo pa hiniling sa langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-14-26-34-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon na nagsasabing, kumilos ka man o hindi, gaganda pa rin ang takbo ng buhay mo. Marapat lamang na magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-25-28-30-36-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bawal sa iyo ang dumikit sa kinaiisan mo, na sa totoo lang ay bahagi pa rin ng buhay mo. Hindi mo siya kayang alisin sa mundo, pero puwede mo siyang layuan kahit sandali. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-14-21-25-29-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page