Horoscope | Hunyo 29, 2026 (Lunes)
- BULGAR

- Jun 29
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 29, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 29, 2026 (Lunes): Pataas nang pataas ang iyong buhay. Huwag mong kaligtaan na dapat ay manatiling nakasayad ang mga paa mo sa lupa. Ibig sabihin, huwag kang magmamataas, bagkus lagi kang magpakumbaba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magmadali ka upang magtagumpay ka. Kung babagal-bagal ka, maraming oportunidad ang iyong panghihinayangan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-8-10-18-20-23-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Patuloy ang dating ng mga suwerte sa buhay mo. Kaya huwag kang magsasawang mahalin ang iyong kapwa dahil ito mismo ang dahilan kung bakit ka pinagpapala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-24-28-37-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Pabilis nang pabilis ang takbo ng mga araw. Maiiwan ang mga nag-aalinlangan, habang ang mga taong mabilis kumilos ay magtatagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-13-25-32-35-44.
CANCER (June 21-July 22) - Maaga mong makukutuban ang motibo ng isang tao. Gayunman, agad kang lumayo sa mga may masasamang layunin, kahit pa kabutihan ang ipinapakita nila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-20-24-30-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maghangad ka. Hindi puwedeng susunod ka sa paniniwalang bawal ang maghangad. Kapag hindi ka naghangad, ang malalagay sa alanganin ay ang iyong hinaharap. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-3-19-26-28-37-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sakyan mo ang agos ng buhay. Sa panahong nagsasaya ang lahat, magsaya ka rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-22-26-31-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Talasan mo ang pakiramdam mo. Ang ayaw sa iyo ay ayawan mo na rin agad. Mali na manatili ka sa piling ng mga taong ayaw naman sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-15-16-21-27-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tanggapin mo ang iniaalok na proyekto sa iyo, dahil ito ang magiging daan mo upang umunlad ang buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-12-24-28-30.
SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Huwag mong papalitan o babaguhin ang iyong pangarap, kahit pa makaranas ka ng mga hindi magagandang pangyayari. Sa huli, kung ano ang ginusto mo, iyon din ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-13-29-37-39-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Kapag binigyan mo sila ng halaga, maaaring matulad ka sa kanila na pawang negatibo ang iniisip sa kapwa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-14-18-26-35-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong yakapin ang galit upang ‘di ka magkasakit. Dapat kang mabuhay sa pag-ibig dahil ang pag-ibig ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-22-25-28-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung may naisip kang magandang pormula sa pagpapayaman, sarilinin mo na lamang upang hindi na muling maulit na maisabuhay ng iba ang iyong ideya at sila pa ang umasenso at yumaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-21-23-36-41.


Comments