Horoscope | Hunyo 28, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 28, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 28, 2022 (Martes): Walang tigil ang pagdating ng mga suwerte. Sa biglang tingin ay maganda, pero ito rin ang sanhi ng iyong pabugso-bugsong katamaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dumating muli ang mga araw na puwede kang magsaya. Kaya kahit may ilang mabibigat na problema, ipinapayo pa rin na magsaya ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-7-10-15-27-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magdaratingan sa buhay mo ang maliliit na suwerte. Tulad ng mga buto ng punong-kahoy, ito ay lalago at lalaki. Huwag mong sayangin ang magandang pagkakataong mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-22-28-33-36-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagkakagustuhan ang magkarelasyon sa pamamagitan ng biruan, harutan at masasayang kuwentuhan. Ito ay mangyayari sa iyo ngayon. Ang biruan at tuksuhan ay mauuwi sa romansahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-25-26-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Bumababa ang ulap para magbigay ng lilim sa mga pagod. Ikaw ang ulap ngayon na may dalang ginhawa sa mga taong nagsisikap kahit mahirap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-15-20-27-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tulungan mo ang mga tao kahit hindi mo kilala. Kakaibang saya ang iyong madarama kapag tumutulong ka sa mga hindi mo kakilala. Bukod sa kakaibang saya, maraming suwerte ang hindi mo inaasahang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-18-22-26-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pagpasok ay ayaw nang lumabas. Papasok sa buhay mo ang isang nilalang at siya ay iyong mabibihag. Gayundin, ang dala niya sa kapalaran mo ay malalaking pakinabang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-21-27-29-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dagdagan mo pa ang iyong pagsisikap. Hindi ka manghihinayang, sa halip ay sobrang sasaya ka dahil malalaki ang regalo ng langit na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-12-23-33-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Biglang aangat ang buhay mo dahil didikit sa iyo ang mga angat ang kalagayan sa lipunan. Gayunman, ang payo ay nagsasabing, manatili kang mapagpakumbaba. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-20-24-26-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-uumapaw ang saya ng malalapit sa iyo dahil makikita nila ang magagandang bagay na nangyayari sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-10-16-21-28-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag nagtanim ka ng kabutihan sa kapwa, aani ka ng pasasalamat. Matapos magpasalamat ng mga taong ginawan mo ng kabutihan, ang langit ay matutuwa sa iyo at tatanggap ka ng malalaking biyaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-14-15-18-22-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit hindi mo gaanong gusto, makipagkaibigan ka sa isang nakipagkilala sa iyo. Ang pagmamahalan ay nagmumula sa taong hindi magkaibigan at walang may gusto sa isa’t isa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-11-19-23-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon, bigyan mo naman ng saya ang iyong sarili dahil aminin mo man o hindi, nakakapagod ding magbigay ng saya sa ibang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-24-25-35-38.




Comments