top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Hunyo 27, 2024 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 27, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 27, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 27, 2024 (Huwebes): Kabilang ka sa mga hahawak ng yaman. Para mapanatili mong hawak ito, isabuhay mo ang pagiging masinop sa lahat ng pagkakataon.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Para sa iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating kung kailan malaya mong magagawa ang mga bagay na mas magpapaunlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-9-15-18-21-27.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iniisip mo na kulang ang lakas ng loob mo para mapaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-28-34-40-45


GEMINI (May 21-June 20) - Hawak mo ang gulong ng iyong kapalaran. Kapag gusto mong bumilis ang ikot, nasa iyo ‘yan, kapag gusto mong bumagal, puwede rin. Ang hindi mo lang kaya ay ang ihinto pag-ikot. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-23-37-43-45.


CANCER (June 21-July 22) - Mas malakas ka ngayon kaysa sa iba. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-16-25-34-38-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang huminto na magdagdag ng kaalaman dahil ang buhay mo ay hindi hihinto na turuan ka ng mga bago at kakaibang diskarte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-19-21-34-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Biglaan kang tatapang. Huwag mong hayaan na ang buhay mo ay maging pabigla-bigla. Kontrolin mo ang bawat sitwasyon dahil ito ang susi para yumaman ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-23-28-33-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang nag-aabang sa iyo. Ang iba ay gustong maging bahagi ka ng kanilang buhay, habang ang iba naman ay makita o matanaw ka lang ay sumisigla na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-12-16-30-39-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magugulat ka dahil pagkatapos ng lahat ng paghihirap, hindi pa rin mauubos ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-21-24-36-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw kung saan, tuluy-tuloy mo na maaabot ang iyong mga hangarin at pangarap sa buhay. Huwag kang titigil, dahil tulad ng nasabi na, abot kamay mo na ang tagumpay ngayon! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-18-27-33-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag sanay ka sa hirap, hindi ka na mahihirapan pa. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-16-24-34-40-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon pa lang, may kakaibang sigla at saya ka na. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-8-17-26-35-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na napakaraming suwerte ang naghihintay sa iyo pagkatapos ng tag-init. Para ‘di masayang at hindi ka magsisi, isabuhay mo ang pagmamahal sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-20-25-29-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page