- BULGAR
Horoscope | Hunyo 27, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 27, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 27, 2022 (Lunes): Kakaiba ang iyong tapang. Dahil dito, walang dahilan kung bakit hindi ka magtatagumpay sa buhay. Tapang ang susi ng suwerte at tagumpay sa panahong ito ng iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo hilingin sa langit ang pinakagusto mo sa buhay. Kahit ito ay imposible, gagawa ng paaran ang nasa itaas upang sumaya ka lang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-25-23-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka kahit napipilitan ka lang. Nauunawaan ka ng langit dahil alam Niyang nag-aalinlangan ka sa iyong sarili. Kumilos ka at pagagandahin ng nasa itaas ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-16-21-27-30-35
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka inaawat sa sobrang lakas ng iyong loob, pero pinapayuhan ka na panatilihin mo ang bilis ng iyong isip. Mula noon hanggang ngayon, ito ang susi mo sa tagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-29-31-32-34.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong palagpasin ang masuwerteng araw na ito kung kailan mas marami kang makukuhang pakinabang sa pamamagitan ng walang takot na pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-27-30-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi naman mahirap maunawaan na ang negosyo ay negosyo. Ibig sabihin, huwag mong pagsabayin ang bisyo at negosyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-22-25-31-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umaasenso ang taong bukas ang isipan, habang walang pag-abante ang buhay ng ayaw magdagdag ng kaalaman. Ito ang dapat mong ilagay sa iyong isipan dahil ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-20-21-25-27.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sukatin mo ang pagkatao ng nagpapakita ng kakaibang pagtingin sa iyo. Hindi na dapat maulit ang nangyari sa nakaraan na nahulog agad ang loob mo sa nagpakita ng kabaitan sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-14-16-25-28-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahaharap ka sa sitwasyong hindi ka puwedeng umatras. Huwag kang mag-alala dahil ang langit ay papanig sa iyo at madali mong masosolusyunan ang kahit anong pagsubok na darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-9-14-18-24-26.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap maunawaan ang ilang tao sa iyong tabi. Hayaan mo lang sila dahil masasayang ang oras sa pag-intindi sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-19-21-28-32-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli kang tatalunin ng iyong kahinaan. Mamahinga ka, ibig sabihin, panoorin mo ang mga nagaganap sa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-10-14-16-22-24.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nagbabago ang matagal nang itinakda na ikaw ay masuwerte. Ang nararanasan mong tila kawalan ng pag-usad ay nagsasabing, kumukuha ng buwelo ang mga suwerte mo at ito ay tiyak na bubuhos. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-27-30-31-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumating na muli ang araw na kapag nagpakita ka ng tapang ay kusang maglalapitan sa iyo ang mga suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-26-38-41-46.