top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Hunyo 26, 2024 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 26, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 26, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 26, 2024 (Miyerkules): Tinitiyak ng iyong kapalaran na ikaw ay yayaman. Mas yayaman ka pa kaysa sa mga taong umaapi sa iyo. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka maaapektuhan ng kawalang pag-asa dahil noon pa man ay alam mo na kung ano ang gagawin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-6-15-24-27-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lahat ng lungkot at sama ng loob mo ay mapapalitan ng ligaya at tuwa pagkatapos ng mahabang araw. Ito ang naging pasya ng langit sa kahilingan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-21-33-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Inip na inip ka na, pero ang mga suwerteng naghihintay sa iyo pagkatapos ng kawalan ng kalayaan ay masayang nag-aabang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-17-28-31-40.

  

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka maiiwanan at aabante ang iyong buhay kapag pinalaya mo na ang ibang tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-13-22-31-36-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kumukupas ang ganda ng mga bulaklak at ikaw din ay kukupas pero bago mangyari ito, makikitang nag-uumapaw ang kaban ng iyong yaman. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-10-19-28-35-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Wala ka namang magagawa kung aangal ka. Pero may magagawa ka para napanatag mo ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-7-13-22-30-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pagbumalik na sa normal ang lahat, ikaw naman ang magbibigay inspirasyon sa mga taong nagdurusa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-15-18-21-29.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipunin mo ang magagandang ideya na naiisip mo. Gamitin mo ito para lumigaya ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-24-27-33-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tinitingala ka ng marami kaya hindi ka nila puwedeng makitang negatibo. Mas magandang panatilihin ang dati mong porma, na kung saan hinahangaan ka nila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-6-15-21-36-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mag-uumapaw ang hangarin mong umasenso dahil sa naranasan mong hirap at pasakit sa mga araw na ikaw ay hindi makakilos. Pagkatapos ng lahat, mabilis kang yayaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-17-23-35-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahalin mo ang sarili mo bago mo mahalin ang ibang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-22-26-28-31.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsakripisyo ka para sa taong handa kang ipaglaban at tulungan sa panahon ng iyong kagipitan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-16-25-34-39-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page