top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hunyo 26, 2022 (Linggo)

BULGAR
Jun 26, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hunyo 26, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 26, 2022 (Linggo): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Nakakamangha ang ganda ng kapalaran mo dahil mahirap paniwalaan at kahit ang mga kaaway mo ay nahihirapan ding paniwalaan na may mga kakaibang suwerte ka.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka bibiguin ng iyong pampabuwenas at ito ang pinagkukunan mo ng inspirasyon pero siya ay hindi mo karelasyon. Gayunman, lihim siyang may pagtingin sa iyo at ganu’n ka rin sa kanya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-24-28-36-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte. Kahit ikaw ay hindi makakapaniwala, pero ang totoo, langit ang nagpasya na regaluhan ka ng suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-20-25-29-30-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Magsuot ka ng bago nang sa gayun ay magbago ang takbo ng buhay mo, kung saan ang magagandang kapalaran ay mag-uunahang dumating sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-17-27-29-31-32-38.

CANCER (June 21-July 22) - Madarama mo na paparating na ang mga suwerte. Ang payo ay nagsasabing gawin mo na ang hindi mo nagawa sa nakaraan at kapag natapos mo, sunud-sunod at hindi mapipigilan ang mga suwerte na darating. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-22-35-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung sino ang masayahin sa mga kaibigan mo, siya ang samahan mo. Dahil kapag masaya ka, ang masasayang kapalaran ay mapasasaiyo, lalo na ang masasayang panalo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-14-24-32-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka puwedeng nasa bahay lamang dahil ang mga suwerte mo ay nasa labas. Ibig sabihin, kailangan mong mamasyal at maglibang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-23-36-39-40-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit nasa bahay ka lamang, magsuot ka ng damit na panlakad. Dahil ito ang sikreto ng kapalaran mo upang mama-magnet mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-21-29-39-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung saan ka masaya, ru’n ka. Ito ay simpleng nagsasabing piliin mo ang mga taong may magandang impluwensya sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-15-24-28-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sundin mo ang iyong sarili dahil alam mo kung ano ang makabubuti para sa iyo. Huwag kang makinig sa iba at kahit sa mga taong malapit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-26-34-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang sikreto ng kapalaran at sadyang mahirap ito paniwalaan. Maglinis ka ng bahay kahit ito ay malinis na. Gawin mo at tiyak na bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-27-30-36-40-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Banatin mo ang iyong katawan, ibig sabihin, mag-ehersisyo ka. Dahil kapag nabanat ang mga buto at laman mo, papasok sa iyong kapalaran ang iba’t ibang uri ng suwerte at magagandang bagay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-11-19-24-41-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang makuntento. Kumilos ka nang kumilos upang hindi masayang ang mga suwerte na puwede pang mapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-15-17-30-31-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page